• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 milyong doses ng Pfizer vaccine na gagamitin sa Resbakuna Kids, paparating ngayong buwan – Galvez

INAASAHANG darating ngayong Pebrero ang nasa limang milyong Pfizer vaccine na gagamitin sa mas pinalawig ng pagbabakuna sa mga kabataang may edad na 5 hanggang 11 na nagsisimula na ngayon at sisimulan na rin sa Region 3 at 4- A.

 

 

Ito ang iniulat ni NTF against COVID 19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Ani Galvez, ang 5 milyong pfizer doses na paparating ngayong Pebrero ay bukod pa sa una ng dumating na 780,000 doses.

 

 

Sa Pebrero 10, paparating pa ang 780,000 doses at isa pang 780,000 doses ang darating naman sa Pebrero 16.

 

 

Habang may panibagong 780,000 doses pa ang susunod na paparating habang sa Pebrero 23 ay darating naman ang 1.6 milyong doses at sa Pebrero 28 naman ay may 2.1 milyon na Pfizer vaccine arrival.

 

 

Sa kabuuan ani Galvez ay papalo sa 5.2 milyong doses ng bakuna ang aasahang darating ngayong buwan ng Pebrero.

Other News
  • Sylvia, nagpasalamat at nangakong mamahalin na parang anak: ARJO at MAINE, nambulabog sa pasabog na engagement sa memorable na ‘July 28’

    NAMBULABOG sina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza noong July 28, ang date na napaka-memorable sa kanilang dalawa.   “Wait, whaaaat??? Were engaged?!”, bulalas ni Maine sa kanyang IG post, kasama ang series of sweet photos nila ni Arjo, na kung saan pinagsisigawan ng kanyang daliri ang bonggang ‘engagement ring’ na binigay ng kanyang soon-to-be […]

  • Na may kinakaharap na problema sa ibang bansa… DMW sa Hunyo pa pormal na sisimulan ang pagtulong sa mga OFW

    MAGSISIMULA sa buwan ng Hunyo ang paghawak ng Department of Migrant Workers (DMW) sa paghawak ng Assistance to Nationals program na pinapatakbo ng Department of Foreign Affairs.     Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople, na ngayong buwan sana ang pagsisimula ng paghawak nila ng programa subalit ito ay ipinagpaliban dahil kailangan pa nila ng […]

  • Ads March 18, 2022