• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P.7 MILYON SHABU AT BARIL

ARESTADO ang limang drug personalities, kabilang ang isang Grab driver matapos makumpiskahan ng higit sa P.7 milyon halaga ng shabu at baril sa magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan at Malabon cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 3:40 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo kotra kay Arvin Amion alyas Daga, 25 sa kanyang bahay sa Phase 6, Brgy. 178, Camarin Road.

 

 

Nang tanggapin ni Amion ang P7,500 marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nasamsam sa suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga at buy-bust money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at pitong piraso ng P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, alas-2:45 ng madaling araw nang matimbog din ng mga operatiba ng Malabon Police SDEU sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Angela Rejano sa buy-bust operation sa Sta Rita St. Sto Rosario Village Brgy. Baritan, Malabon city si Eduardo Sanchez, 47, (pusher/listed), Nicolo Felongco, 36, (pusher/listed), grab driver, Leo Ponce, 42, at Marlon Sarmiento, 37, (user/listed).

 

 

Nakuha sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 55 gramo ng shabu na tinatayang nasa P374,000.00 ang halaga, isang cal. 45 psitol na may magazine na kargado ng 3 bala at marked money na binubuo ng isang tunay na P500 bill at 16 piraso ng P500 boodle money. (Richard Mesa)

Other News
  • Listahan ng seniors na may ayuda, bubusisiin ng Maynila

    IPINAG-UTOS ni Manila ­Mayor Honey Lacuna ang paglilinis sa listahan ng mga senior citizen upang makatiyak na residente pa ang mga ito sa lungsod.     Ang direktiba ay ibinigay kay  Office of Senior Citizens’ Affairs (OSCA) chief Elinor Jacinto, matapos na makatanggap ng ulat na may mga nasa listahan na hindi na nakatira sa […]

  • Evacuation centers na-turn over na ng gov’t sa mga bayan malapit sa Taal Volcano

    NA-TURN over na ng pamahalaan ang tatlong evacuation centers sa Batangas kasunod nang pag-aalburuto ng bulkang Taal.     Sinabi ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Eduardo del Rosario, magkakaroon ng inagurasyon sa mga naturang local evacuation centers sa Miyerkules.     Matatagpuan ang mga ito sa Santa Teresita, Alitagtag at […]

  • Katotohanan sa ABS-CBN franchise issue, hirit ni Duterte – Palasyo

    MAGMAMASID ang Malacañang sa magiging takbo ng gagawing imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal sa Lunes.     Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na papanoorin ng Palasyo ang gagawing pagbusisi ng mga senador sa prangkisa ng nabanggit na TV network pati na kung ano ang gustong gawin ng mga senador.   Ayon kay […]