• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deadline para sa COVID-19 Emergency Loan application ng GSIS, pinalawig ng hanggang August 12

Pinalawig ng isa pang buwan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang panahon para sa filing ng applications sa COVID-19 Emergency Loan.

 

Sa isang statement, sinabi ni GSIS president at general manager Rolando Ledesma Macasaet na hanggang sa Agosot 12, 2020 pa maaring mag-file ng loan applications ang kanilang mga miyembro.

 

Ito ay dahil nais aniya nilang mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang miyembro, pati na ang mga nakatatanda at disability pensioners, na apektado ng public health crisis para makapag-loan.

 

Sa kanilang tantya, maaring aabot sa mahigit 1.3 million members ang qualified para sa loan program na ito, na may projected total amount na P43 billion.

 

Nauna nang itinaas ng GSIS ang halaga na maaring utangin ng kanilang mga miyembro mula sa dating P20,000 na sa ngayon ay aabot na ng hanggang P40,000 para sa mga may existing loans.

 

Pinadali na rin nila ang terms para sa renewal ng loans kahit pa may loan accounta na hindi nababayaran ng mahigit anim na buwan.

Other News
  • FREE ANTI RABIES VACCINE HANDOG NG ALPHA KAPPA RHO – KAPPA RHO COMMUNITY CHAPTER

    FREE ANTI RABIES VACCINE HANDOG NG ALPHA KAPPA RHO – KAPPA RHO COMMUNITY CHAPTER sa RMS Ville, Brgy. Gen. Tiburcio De Leon, Valenzuela City.   Sa pangunguna ni Grand Skeptron Carl Dacasin at ang kanyang Chapter Founder na si Roi Miguel Alabastro at sa kooperasyon ng ANGKOP – Ang Animal Ko Protektado at ni Doc […]

  • Ej Obiena nagtapos sa ika-4 na puwesto sa Berlin Tournament

    Nagtapos sa pang-apat na puwesto si Filipino pole vaulter EJ Obiena sa ISTAF Berlin Tournament sa Germany.     Nabigo kasi ito sa 5.81-meter mark na talunin sa nasabing torneo.     Pawang mga Americans ang nakakuha sa una hanggang pangatlong puwesto na pinangunahan ni Sam Kendricks, Christopher Nilsen at KC Lightfoot.     Magugunitang […]

  • PBBM sa mga Dam Operators: Release water ahead of heavy rains to mitigate flooding

    IPINAG-UTOS ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Miyerkules, sa mga dam operators na dahan-dahang pakawalan ang tubig bago pa ang inaasahan na malakas na pag-ulan dala ng bagyo.   Hangad ng Pangulo ang maagang paggalaw para matulungan at protektahan ang mga Filipino mula sa epekto ng Tropical Storm ‘Kristine’, “This would […]