• December 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

500 Valenzuelanos nakatanggap ng tulong medical mula sa DSWD

UMABOT sa 500 kwalipikadong Valenzuelano ang nakatanggap ng kanilang pinakahihintay na tulong medikal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at REX Serbisyo Center sa Valenzuela City Amphitheater.

 

 

Ang tulong medikal ay naging posible sa pamamagitan ng DSWD program Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Isang tulong para sa mga indibidwal o pamilya na nakakaranas ng matinding dagok sa buhay o krisis na pinalala ng pandemya ng COVID-19.

 

 

Ang suportang ibinibigay ng AICS ay isang tugon sa kanilang mga pangangailangan tulad ng medikal, libing, transportasyon, edukasyon, pagkain, o cash assistance para sa iba pang support services.

 

 

Ang 500 Valenzuelano na ito ay may nakabinbin at naghihintay na mga kahilingan upang matulungan sa kanilang mga gastusin sa pribadong ospital, maintenance medicines, at mga pamamaraang medikal tulad ng dialysis at laboratoryo. Gayunpaman, tinatasa ng mga manggagawa ng DSWD ang mga benepisyaryo batay sa pamantayan kung magkano ang tulong na kanilang ibibigay.

 

 

“Ang request ko sa mga nakatanggap ng medical assistance ngayon ay ipamalita ninyo sa mga kakilala ninyo, dahil marami pa ang hindi nakakaalam, na kahit private yung hospitals, basta kumpleto naman ang papeles o requirements ay pwede naman pumunta sa REX Serbisyo Center. Hindi man ito ora mismo dahil inaayos pa ng DSWD ang pondo, pero nakakarating at nakakarating naman.” Pahayag ni Cong. REX Gatchalian.

 

 

Ang REX Serbisyo Center at DSWD ay magtatakda ng isa pang batch ng mga benepisyaryo ng Valenzuelano na tatanggap ng tulong medikal sa ilalim ng programang AICS sa mga susunod na araw. (Richard Mesa)

Other News
  • HIGIT 2.2 BILYONG HALAGA NG GAMOT ITINATAGO NG DOH

    PDu30, inatasan ang DOH na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired.   INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag- expired kung saan isinisisi ng Commission on Audit (COA) ukol sa poor inventory at supply management system.   Ayon kay Presidential […]

  • Tulad ng pagsasama nina Anne at Erwann: JASMINE, going strong ang relasyon sa boyfriend na si JEFF

    NANG nakausap namin si Jasmine Curtis-Smith kamakailan, sinabi namin sa kanya na mukhang sila ng ate niya ang sisira sa “sumpa” ng hiwalayan dahil tulad nina Jasmine at boyfriend niyang si Jeff Ortega ay going strong rin ang pagsasama ng mag-asawang Anne Curtis at Erwann Heussaff.     “Yes, amen, stop the cycle,” ang tumatawang […]

  • DISINFORMATION AT MISINFORMATION SA COVID 19 TALAMAK

    TALAMAK ang mga disinformation at misinformation campaigns tungkol sa VOVID-19 higit sa isang taon matapos ideklara ng World Health Organization (WHO) ang pagtatapos ng sakit na nagdudulot ng pandemya bilang isang pandaigdigang emerhensiyang pangkalusugan.   Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa pagpapakalat ng mga maling pahayag na nagsasaad na natuklasan ng […]