HIGIT 2.2 BILYONG HALAGA NG GAMOT ITINATAGO NG DOH
- Published on October 8, 2020
- by @peoplesbalita
PDu30, inatasan ang DOH na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired.
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag- expired kung saan isinisisi ng Commission on Audit (COA) ukol sa poor inventory at supply management system.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, base sa 2019 audit report, sinabi ng COA na nagtatago ang DOH ng P2.2 bilyong halaga ng expired, over- stocked o malapit nang mag- expired na gamot at maging ng medical at dental supplies.
Sinabi pa ng COA na ang malapit nang mag-expired na gamot ay kasama sa kuwenta ng P1.024 billion.
“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalung-lalo iyong mag-i- expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” ayon kay Sec. Roque
Sinabi pa ng COA na ang pangyayaring na expired, over- stocked at malapit nang mag- expired na inventory items ay manipestasyon lamang na mayroong “excessive expenditure since items were procured more than what is needed.”
Kaya nga, inirekomenda ng COA sa DOH na rebisahin ang kontrata lalo na iyong mga exist- ing suppliers, sanayin na ingatan ang paggamit ng government resources, mahigpit na ipatupad ang timeline ng distribusyon/ paglilipat ng mga inventory at bilisan ang pamamahagi ng malapit nang mag-expired na medisina.
Hinikayat din ng COA ang DoH na bumalangkas ng internal control policies para mabawasan ang nangyayaring expired drugs. (Daris Jose)
-
Matapos ang pagbisita ni PBBM sa Japan… Speaker Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa
SPEAKER Romualdez sinabing ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga investments sa bansa matapos ang pagbisita ni Pang. Marcos Jr. sa Japan Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na ‘mala-tsunami’ ang buhos ng mga mumuhunan at negosyante mula Japan na nais magtatag ng negosyo sa Pilipinas. Ayon kay Romualdez, ‘overwhelmed’ ang Pangulo dahil, […]
-
LTFRB namimigay ng driver subsidy
SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng bagong subsidy program na tulong para sa humigit kumulang na 60,000 na public utility vehicle (PUV) drivers na naapektuhan ng COVID-19 pandemic Ang programang ito ay magbibigay muna ng subsidies sa may 60,000 na drivers sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro […]
-
Ads September 1, 2022