• December 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5,000 COVID-19 vaccine doses para sa A4 minimum wage earners at OFWs sa Labor Day

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF), araw ng Martes, Abril 27 ang kahilingan ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 5,000 doses ng COVID-19 vaccine na gagamitin sa idaraos na symbolic inoculation ceremony ng mga minimum wage workers at overseas Filipino workers na nasa ilalim ng Priority Group A4 sa Mayo 1, 2021 o Araw ng Paggawa.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na ipinag-utos naman sa DOLE na gumawa ng masterlist upang matiyak ang ‘equitable representation’ ng labor sector habang idinaraos ang nasabing seremonya.

 

Ikinunsidera naman ng IATF ang mga frontliners ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na ilagay sa ilalim ng Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan bilang pagkilala sa kanilang mapanganib at kusang-loob na gampanin sa pakikipaglaban ng lahat sa coronavirus pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • Aminadong tagahanga siya ng SB19: JENNYLYN, sobrang kinilig nang si STELL ang lumabas sa Tiktok filter

    ITO palang si Jennylyn Mercado ay tagahanga ng SB19, partikular ni Stell!     At dahil nga matindi ang kasikatan ni Coach Stell at ng Kapuso show na ‘The Voice Generations’, may nauuso ngayon na The Voice Generations Tiktok filter kung saan may randomizer at tila isa ka ring contestant sa TVG.     App […]

  • Pinay skater Pertichetto sasabak sa kumpetisyon sa Sweden

    Napiling maging representative ng bansa sa 2021 World Figure Skating Championship si Filipino skater Alisson Pertichetto.     Ito mismo ang kinumpirm ang Philippine Skating Union sa torneo na gaganapin sa Marso 22 sa Stockholm, Sweden.     Ayon sa grupo na mayroong kakaibang lakas at galing ng isang babae si Pertichetto.     Nakuha […]

  • World No. 6 Greek netter, papalo kontra Pinoys

    MAKATITIKIM ang Pilipinas ng world-class tennis kapag sinagupa si world No. 6 Stefanos Tsitsipas at liyamadong Greece sa World Group II Davis Cup tie sa Marso 6 at 7 sa Philippine Columbian Association clay court sa Paco, Maynila.   Lalabanan ng mga Pilipinong netter si Tsitsipas at ang mga Greek matapos isagawa ng Davis Cup […]