51% ng pamilyang Pilipino, iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap- SWS
- Published on May 10, 2023
- by @peoplesbalita
UMAABOT ang iniuri ang kanilang sarili na mahirap noong Marso ng kasalukuyang taon batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).
Isinagawa ang naturang survey mula Marso 26 hanggang 29 ng kasalukuyang taon sa face to face interviews sa 1,200 Pilipino edad 18 pataas sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao.
Nasa 51% ng pamilyang Pilipino ang iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap o katumbas ng 14 million pamilya.
Walang gaanong pagbabago kumpara sa 12.9 million pamilya na nagsabing mahirap sa isinagawang survey noong Disyembre.
Paliwanag ng SWS, upang makuha ang tinatayang bilang ng Self-rated poor families, ang porsyento ng respondent households na iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap ay inilapat sa Philippine Statistics Authority medium-population projections para sa taong 2023 at 2022.
Ayon pa sa SWS, ang steady percentage sa self-rated poor sa buong bansa ay resulta ng pagtaas sa National Capital Region at Visayas, pagbaba sa Balance Luzon at steady na bilang sa Mindanao.
-
Libreng happy meal pinamigay sa mga batang Navobakunado
NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng libreng Happy Meals sa mga kabataang NavoteƱo na 5 hanggang 11 taong gulang na nabakunahan na kontra sa COVID-19. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, araw-araw ang kanilang ginagawang pamimigay libreng pagkain na ito sa mga bakunadong kabataan upang maging masaya ang mga ito at hindi matakot […]
-
PDu30, nagparehistro na para sa National Identification System
OPISYAL nang rehistrado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa National Identification System. Sa katunayan ay sinadya pa ng mga taga-Philippine Statistics Authority si Pangulong Duterte sa Malakanyang. Sa photo release ng Malakanyang, makikita na sumailalim sa biometric information ang Pangulo at pagkatapos dumaan sa nasabing proseso ay nag-thumbs up ito. Kasabay naman ng Punong […]
-
Ads April 5, 2023