• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

51 Pinoy sa Gaza, humiling ng ma-repatriate dahil sa banta sa kanilang seguridad – PH envoy to Jordan

AABOT na sa 51 Pilipino sa Gaza ang humiling para sa repatriation dahil banta sa kanilang seguridad sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Israeli forces at militanteng Hamas ayon kay PH Ambassador to Jordan Wilfredo Santos.

 

 

Ayon pa sa PH envoy, tinatalakay na nila ito kasama ang iba pang mga embahada kung paano makakatulong para sa posibleng repatriation.

 

 

Sinabi din ng envoy na lahat ng 139 Pilipino sa Gaza ay ligtas sa gitna ng tumitindi pang bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.

 

 

May ilan naman aniyang mga turista na may asawang palestinian na hindi pa nag-request na ma-repatriate

 

 

Siniguro din ng envoy na mayroong nakalatag na contingency plan at patuloy na nakikipag-ugnayan sa lahat ng Pinoy sa Gaza at nakabantay sa kanilang kondisyon.  (Daris Jose)

Other News
  • OCD, muling pupulungin ang National El Niño Team sa gitna ng banta ng matinding tag-tuyot, kakulangan o kawalan ng ulan

    MULING pupulungin ng Office of Civil Defense (OCD) ang National El Niño Team sa layuning mas pag-isahin at itugma ang implementasyon ng pagsisikap na maghanda at tugunan ang matinding epekto ng tag-tuyot at kakulangan o kawalan  ng ulan sa bansa.     Sa isang kalatas, sinabi ng OCD na nakatakda ang pagpupulong sa Hulyo 19 […]

  • PDu30, hiniling sa publiko na makinig sa mga eksperto sa harap ng pagtaya na magka-COVID surge

    UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag sanang mas marunong pa sa mga eksperto at sa halip ay makinig sa mga ito.     Sinabi ng Pangulo na nakarating sa kanyang kaalaman ang nakaambang na COVID surge na una ng ibinababala ng mga eksperto.     Kaya ang hiling ng Pangulo sa […]

  • NBA BUBUKSAN SA DEC. 22

    MAGSASAGAWA ang NBA team owners at players union ng magkahiwalay na meeting upang maselyuhan na ang nilulutong pagbubukas ng liga sa December 22 para sa 2020-2021 kampanya ng liga.   Inaasahang magkakasundo sa gagawin meeting ang National Basketball Players Association at ang liga sa 72 games per club at sa Dec. 22 na pagbubukas ng […]