• March 20, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tolentino nais mag-USTe

ISA sa mga gumawa ng pangalan sa Ateneo de Manila University Lady Eagles sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s indoor volleyball ang player na si Katrina Mae ‘Kat’ Tolentino. Pero kung pagkakataong makapamili ng iba pang mapaglalaruan bukod sa ADMU-Quezon City, sa University of Santo Tomas Golden Tigresses ang pangarap ng Premier Volleyball League (PVL) star. “Maybe, I will say UST as a safe answer,” lahad ng 25 taong gulang, 6-2 ang tangkad na dalaga sa Tiebreaker Vodcast: So She Did!” nitong Martes ng gabi. Nasa pangalawa aniya ang España-based squad dahil marami sa angkan niya, lalo na ang kanyang mga magulang ang mga nagsipag-aral din sa naturang pamnatasan. “Because that’s where my parents went, so that’s safe and a lot of like, my relatives went to UST,” talak pa ng Fil-Canadian na,  isa sa key player ng Katipunan-based team at napabilang sa 2014 Ateneo Fab Five. Dumagit si Tolentino ng isang championship sa UAAP Season 81 2019 bago binulilyaso ang Season 82 nitong Marso ng COVID-19. Kasalukuyang nasa Vancouver muna ang balibolista at nakatakdang bumalik sa ‘Pinas para maglaro sa Choco Mucho Flying Titans sa 4th PVL 2020. (REC)

Other News
  • BF.7 dapat ikabahala – expert

    DAPAT umanong ikabahala ng mga health authorities sa bansa ang presensya ng Omicron subvariant na BF.7 dahil sa kakayahan nito na muling magpataas ng mga kaso tulad ng nangyayari sa China. “Well, that is a concern considering that we are not having accurate information coming from China and China has a past history of not […]

  • Dingdong, happy and honored na muling maging brand ambassador

    “HAPPY at honored po ako sa bago kong role. The fact that Medicol considered me to be its endorser, habang ang buong mundo ay nakararanas ng pandemya, it makes me grateful,” pahayag ni Dingdong Dantes na pormal ng inanunsiyo bilang brand ambassador ng pinagkakatiwalaang pain reliever brand sa Pilipinas.   Ang brand manager ng Medicol […]

  • Konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 project on track

    Ang konstruksyon ng unang bahagi ng Philippine National Railways (PNR) Clark project ay tuloy-tuloy at halos ay 50 percent ng tapos.     Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na may 45.82 percent ng kumpleto ang progress rate ng konstruksyon at ito ay inaasahang matatapos sa ikalawang quarter ng taong 2024 at […]