• September 28, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

52 opisyal ng PNP-CSG sinibak dahil sa malpractice

NAGSAGAWA ng balasahan ang Philippine National Police-Civil Security Group (PNP-CSG) at inalis sa puwesto ang 52 nilang opisyal dahil umano sa “malpractice.”

 

Ayon kay CSG Director Police Major General Roberto Fajardo, kabilang sa kanyang sinibak ang 30 police commissioned officer na may pinakamataas na ranggong police colonel, 17 non-commissioned officer at 5 non-uniformed personnel.

 

Ayon kay Fajardo, dismayado umano siya dahil sa patuloy na nakakatanggap ng report hinggil sa malpractice ng kanyang mga tauhan.

 

“This is to enhance CSG frontline services due to report of malpractices and over familiarity of stakeholders. This is to expedite transaction of firearms, security guard licenses, license to operate and other permits”, hayag ni Fajardo.
Mariin din nitong binigyang-babala ang kanyang mga tauhan na sisibakin sa puwesto, bukod pa sa mga isasampang kasong kriminal at administratibo, kapag sumuway sa no-take policy na pinatutupad ng PNP.

 

Samantala, patuloy naman ang ginagawang review at evaluation ng performance ng mga regional chief kasabay ng kautusan sa mga ito na magkaroon ng coordination sa pulisya matapos ang nationwide crackdown sa lahat ng hindi awtorisadong ahente at iba pang tiwaling security agency.

 

Matatandaang nitong naka-raang Nobyembre 2019 ay 40 pulis din ang sinibak ng PNP-CSG dahil din sa malpractice at korapsyon habang noon ding Oktubre ng parehas na taon ay 27 CSG police official din ang sinibak ni Fajardo dahil din umano sa korapsyon.

Other News
  • DOTr, OWWA lumagda sa kasunduan upang tulungan ang mga OFWs

    Isang kasunduan ang nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang tulungan ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho.     Ang kasunduan ay naglalayon na bigyan ng trabaho ang mga OFWs na nawalan ng trabahao dahil sa pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay ng opurtinidad na magtrabaho […]

  • DepEd, nakahanap ng solusyon sa SHS grad employability sa pamamagitan ng MATATAG agenda

    SINABI ng Department of Education (DepEd)  na layon nito na tugunan ang isyu ukol sa  employability o kakayahang magtrabaho ng  K-12 graduates sa pamamagitan ng  MATATAG education agenda nito.     Ang pahayag na ito ni DepEd spokesperson Michael Poa ay tugon sa kamakailan lamang na ipinalabas na ulat ng Commission on Human Rights (CHR)  […]

  • Rockets star player Westbrook balik ensayo na matapos gumaling na sa COVID-19

    Labis ang pasasalamat ni Houston Rockets point guard Russell Westbrook dahil sa nakasama na siya sa ensayo ng koponan.   Ito ay matapos na makakuha ng clearance na maglaro ng magpositibo ito sa coronavirus noong nakaraang mga linggo.   Sinabi nito na nanatili lamang ito sa loob ng bahay ng ilang linggo.   Sinabi naman […]