53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown, ayuda para sa 2 kumbento ng mga madre ipinadala na matapos ang Covid-19 outbreak
- Published on September 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nadagdagan pa ang mga lugar dito sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 53 na mga lugar ngayon ang nasa granular lockdown.
Nilinaw ng Alkalde na partikular lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay.
Siniguro ng QC LGU na mamahagi sila ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Ang mga ito ay sasailalim sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.
Batay sa datos ng City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) ang siyudad ay mayruong 13,252 active cases mula sa 150,740 na kabuuang bilang na nagpositibo sa lungsod na ngayon ay pinagtutuunan ng pansin.
Ayon sa CESU nasa 90.3% o 136,104 na ang gumaling sa Covid-19 infection.
Batay naman sa datos ng PNP Joint Task Force Covid Shield nasa 59 barangays sa NCR ang nasa ilalim ng granular lockdown kung saan karamihan dito ay sa Quezon City na mayruong 32 barangays.
Tanging ang area ng Manila Police District (MPD) ang walang naitalang barangays na isinailalim sa granular lockdown.
Agad naman na nagpaabot ng ayuda ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Office of the City Mayor para sa Missionary Sisters Servant of the Holy Spirit sa Barangay Immaculate Concepcion at Religious of the Virgin Mary sa Barangay Kaunlaran.
Saku-sakong bigas, canned goods, vitamins,toiletries, alcohol at facemasks ang binigay para sa mga residents ng nasabing kumbento ng mga madre.
Sa kabuuan, mahigit 100 ang kumpirmadong kaso ng Covid-19 sa dalawang kumbento at may isa namang pumanaw.
Sa ngayon isinailalim na rin sa Special Concern Lockdown ang dalawang kumbento para maiwasan ang pagkalat ng virus.
-
Guwardiya ng Immigration, P7.8M ang net worth!
PINASASAILALIM ng Senado sa lifestyle check ang isang security guard na diumano’y sangkot sa kontrobersiyal na “pastillas” scheme dahil sa pagkakaroon nito ng net worth na aabot sa P7.8 milyon. Sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations ang gender quality, inusisa ni Senadora Risa Hontiveros si Fidel Mendoza, security guard ng […]
-
‘Pinas mag-aangkat ng 25,000 MT isda mula dayuhan hanggang Enero 2023
KAHIT arkipelago ang Pilipinas at napapalibutan ng mga dagat, nakatakda na naman itong mag-angkat ng sanlaksang mga isda galing sa ibang bansa dahil sa ipatutupad na “closed fishing season.” Ito ang sinabi ng special order 1002 na nilagdaan ni Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban nitong Huwebes. “Dismayado kami na […]
-
Gobernador ng Bulacan, pinasinayaan ang bagong gusali ng blood center at public health office
LUNGSOD NG MALOLOS – Upang matiyak ang sapat na suplay ng ligtas na dugo para sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng boluntaryong donasyon ng dugo, pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando ang bagong pasilidad ng Provincial Blood Center at Provincial Health Office – Public Health sa Bulacan Medical […]