- Published on October 10, 2024
- by @peoplesbalita
NAGPAHAYAG ng kanyang taos-pusong pagbati si Navotas Representative Toby Tiangco kay Most Rev. Pablo Virgilio David, Roman Catholic Bishop ng Kalookan at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President, sa kanyang pagkakatalaga bilang Cardinal.
“Having served as a priest for 41 years and a bishop for 18, Cardinal David has consistently dedicated his life to building communities rooted in faith and service,” ani Cong. Toby.
“I pray that God blesses him with excellent health and that he continues to foster solidarity among the members of the Roman Catholic Church,” dagdag niya.
“Once again, congratulations, and I wish him continued success in all his endeavors,” pahayag na pagbati pa ng mambabatas.
Si Bishop David ay kabilang sa 21 na napili ni Pope Francis na maging bagong Cardinals ng Simbahang Katolika matapos itong i-anunsiyo ng Santo Papa sa kanyang misa sa Vatican.
Isasagawa ang installation ng bagong talagang cardinals o tinatawag na consistory sa darating na Disyembre 8 bago ang pagbubukas ng Jubilee Year ng 2025.
Ito na ang pang-10 na consistory na isinagawa ng Santo Papa sa loob ng 11 taon niyang panunungkulan. (Richard Mesa)
-
7-milyong deactivated na botante, hinimok ng PPCRV na muling magpadala sa voters registration ng COMELEC
Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botanteng hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng tirahan, nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa na muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng Commission on Elections. Ito ang panawagan ni PPCRV Executive […]
-
PFL tinungo ang ilang lugar sa Laguna para sa bubble game
BINISITA ng Philippine Football League (PFL) ang mga lugar na paggaganapan ng kanilang bubble games. Sinabi ni PFL commissioner Coco Torre, tinungo nila ang Seda Nuvali sa Sta. Rosa city, Laguna. Tiningnan nila ang mga pasilidad nito para maisagawa na ang pagbabalik ng mga football games. Balak kasi ng PFL na magsagawa […]
-
Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado
UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs). Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic […]