• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

54 Valenzuelano solo parents nakatanggap ng educational assistance

NASA 54 na kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng educational assistance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

 

 

Ang mga benepisyaryo ng educational assistance ay mga rehistradong solo parents sa lungsod ng Valenzuela na may mga anak na nag-aaral sa tertiary level ng edukasyon. Ang maximum na PhP 5,000 na tulong pinansyal bawat semestre o PhP 10,000 bawat school year ay dapat ipagkaloob sa mga benepisyaryo na ito.

 

 

Upang maging kuwalipikado sa educational assistance, tuparin ng mga solo parents ang mga sumusunod na kinakailangan: Barangay Indigency, Affidavit of Separation o Guardianship (kung hiwalay), Death Certificate ng asawa (kung balo), Birth Certificate of Children dependent sa magulang, Valid ID, at Solo Parent Certification mula sa kanilang barangay. Sumailalim din sila sa home visitation at validation mula sa kawani ng CSWDO.

 

 

Sa kabilang banda, ang mga estudyante ng solo parents ay dapat mapanatili ang grado na 82% kada subject kada semestre hanggang sa makatapos sila ng kolehiyo. Ang pagkabigong mapanatili ang kinakailangang grado ay magiging dahilan upang ang mga solo parents at ang kanyang estudyante ay hindi karapat-dapat para sa tulong pinansyal.

 

 

Pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang pamamahagi ng educational assistance, kasama sina Solo Parents Focal Person, Kagawad Kisha Ancheta, at Ms. Linda Santiago, Focal Person for Women and Family ng CSWDO. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinas nasa ‘minimal risk’ na

    Patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng bansa sa COVID-19 pandemic makaraang ilagay na ng Department of Health (DOH) sa ‘minimal risk’ ang buong kapuluan bunsod ng patuloy na pagbaba ng mga kaso.     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mababa na sa 1 ang ‘avegare daily attack rate’ ng bansa mula […]

  • Hanggang March 2023 ang schedule at kasama ang ‘Pinas: ‘Justice Tour’ ni JUSTIN BIEBER, muling natigil dahil sa health issues

    SUCCESSFUL ang theater debut ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden sa musical stage production ng “Miss Saigon” sa Guam.   Ginampanan ni Garrett ang role na John Thomas na best friend ni Chris.   Sa kanyang latest Instagram post, lubos na nagpasalamat si Garrett sa kanyang Miss Saigon experience, “What a great journey. […]

  • Pagdating sa Pinas ng bakunang gawa ng Tsina laban sa Covid -19, maaaring ma-delay

    SINABI ng Malakanyang na maaaring ma-delay ang pagdating sa bansa ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac dahil sa kawalan pa rin ng Emergency Use Authorization (EUA) nito.   Inaasahan kasing darating sa bansa ang nasabing bakuna sa Pebrero 23.   “Kapag hindi po lumabas ang EUA, baka maantala rin ang […]