Pagdating sa Pinas ng bakunang gawa ng Tsina laban sa Covid -19, maaaring ma-delay
- Published on February 20, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ng Malakanyang na maaaring ma-delay ang pagdating sa bansa ng 600,000 doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm Sinovac dahil sa kawalan pa rin ng Emergency Use Authorization (EUA) nito.
Inaasahan kasing darating sa bansa ang nasabing bakuna sa Pebrero 23.
“Kapag hindi po lumabas ang EUA, baka maantala rin ang pagdating ng 600,000 ng Sinovac,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ang EUA na ipalalabas ng Food and Drug Administration (FDA), ay kailangan upang legal na mapangasiwaan ang bakuna sa Pilipinas.
“Nais rin muna nating makuha itong EUA para po kapag dumating [ang vaccine], magagamit agad,” ang pahayag ni Sec. Roque.
Magkagayon pa man ayon kay Sec. Roque, ang 5.5 million doses ng COVID-19 vaccine mula AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility ay inaasahan na maide-deliver sa bansa sa loob pa rin ng buwang kasalukuyan.
Nauna rito, sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr na ang pagde-deliver ng bakuna mula sa World Health Organization (WHO)-led COVAX Facility ay made-delay ng isang linggo bunsod ng kawalan ng indemnification law sa bansa.
Sinabi ni Galvez sa Senado na ang bansa ay maaaring makatanggap ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine kung ang PIlipinas ay mayroong indemnification law.
Samantala, ang FDA ng Pilipinas ay nagpalabas lamang ng EUA sa dalawang COVID-19 vaccine brands gaya ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca, kung saan ay nakitaan ng 70% hanggang 95% effective, para maiwasan ang COVID-19. (Daris Jose)
-
“THE BOSS BABY” SEQUEL “FAMILY BUSINESS” REVEALS FIRST TRAILER
THERE’S a new boss, baby. Check out the first official trailer of DreamWorks Animation’s The Boss Baby: Family Business and watch the film in Philippine cinemas 2021. Facebook: https://www.facebook.com/uipmoviesph/videos/848986719204643 YouTube: https://youtu.be/q2oJ0ShkrIw In the sequel to DreamWorks Animation’s Oscar®-nominated blockbuster comedy The Boss Baby, the Templeton brothers—Tim (James Marsden, X-Men franchise) and his Boss Baby little bro Ted (Alec Baldwin)—have become […]
-
Pope Francis binati ang mga mananampalataya sa Angelus prayer habang nasa ospital
Binati ni Pope Francis ang mga mananampalataya habang ito ay nasa pagamutan. Isinagawa nito ang lingguhan Angelus prayer sa balkunahe mismo ng Gemelli University Hospital sa Roma kung saan siya naka-confine at nagpapagaling. Sinabi nito na labis siyang nasisiyahan dahil sa naipagpatuloy ang pagsisilbi sa Maykapal. Napagtanto niya habang […]
-
Ads January 12, 2021