• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko

KASABAY  sa pagdiriwang ng ika-54 na ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito.
Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel  Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City kung saan pormal na nag-withdraw ng kanilang suporta sa CPP-NPA sa pamamagitan ng panunumpa sa katapatan sa gobyerno ng Pilipinas ang mga nagsisuko.
Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay kaugnay sa naging panawagan ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. na  talikuran ang armadong pakikibaka, bumalik sa mainstream society upang maibalik ang matagal nang nawawalang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ni Azurin kasunod sa pagkamatay ng kanilang lider at founder ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Joma Sision.
Iba’t ibang uri ng armas at bala; handheld radios; bandleirs, base radio module; mga cellphones; mga IED o PVC Pipe Bomb ang isinuko ng mga rebelde. (Daris Jose)
Other News
  • 26 milyong Pinoy sadlak sa hirap – POPCOM

    UMAABOT na sa 26 milyon ang mga Filipino na sadlak sa hirap o nasa ilalim na ng tinatawag na “poverty line”.     Sa Laging Handa press briefing, tinukoy ni Commission on Population (POPCOM) Undersecretary Juan Antonio Perez III ang pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority ukol sa kahirapan sa Pilipinas kung saan ikinum­para […]

  • Kaso ng COVID-19 sa NFL, nadoble

    DUMOBLE ang bilang ng kaso nang nagpositibo sa COVID-19 sa National Football League (NFL) nitong nakaraang linggo base sa inilabas na datos ng liga at NFL Players Association.   Base sa ginawang testing nitong Nov. 1-7, lumabas sa resulta na may 56 na bagong kaso: 15 ang nagpositibo sa mga manlalaro at 41 kumpirmadong kaso […]

  • 2024 accomplisment report, inilahad ni Mayor Sandoval sa kanyang kaarawan

    SA kanyang 2024 accomplisment report, isa-isang inilahad ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga naging tagumpay ng lungsod na layong pagbutihin pa ang kalidad ng buhay ng Malabuenos, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-60-taong kaarawan na ginanap sa Malabon Sports Complex.           “Nakaahon na at magpapatuloy pa. Ang ating mga […]