• June 21, 2025

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19 sa NFL, nadoble

DUMOBLE ang bilang ng kaso nang nagpositibo sa COVID-19 sa National Football League (NFL) nitong nakaraang linggo base sa inilabas na datos ng liga at NFL Players Association.

 

Base sa ginawang testing nitong Nov. 1-7, lumabas sa resulta na may 56 na bagong kaso: 15 ang nagpositibo sa mga manlalaro at 41 kumpirmadong kaso sa mga personnel.

 

Sa huling ginawang monitoring mula Oct. 25-31, iniulat ng NFL at NFLPA na may walong bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus sa mga players at 17 bagong nagpositibo sa mga personnel.

 

Sa pinaka-latest na report, sinabi ng liga na 42,978 tests ang ginawa sa kabuuang 7,922 players at team personnel. Kasama rito ang 16,785 tests na ginawa sa 2,486 players at 26,193 tests 5,436 personnel.

 

Simula ng ginawa ang monitoring noong Aug. 1, umabot sa 78 play- ers at 140 na personnel ang nagpositibo sa kaso ng COVID-19.

 

Sa kabuuan, umabot na sa 600,000 tests ang nagawa ng NFL sa mga player at personnel hanggang November 7.