• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

55 miyembro ng CPP-NPA, sumuko

KASABAY  sa pagdiriwang ng ika-54 na ani­bersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon (Dec. 26) ay siya namang pagsuko sa pamahalaan ng may 55 miyembro nito.
Inihayag ito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief P/Major General Jonnel  Estomo sa isinagawang programa kahapon ng umaga sa NCRPO headquarters sa Bicutan, Taguig City kung saan pormal na nag-withdraw ng kanilang suporta sa CPP-NPA sa pamamagitan ng panunumpa sa katapatan sa gobyerno ng Pilipinas ang mga nagsisuko.
Ang pagsuko ng mga dating rebelde ay kaugnay sa naging panawagan ni PNP chief Rodolfo Azurin Jr. na  talikuran ang armadong pakikibaka, bumalik sa mainstream society upang maibalik ang matagal nang nawawalang kapayapaan at pagkakaisa sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ni Azurin kasunod sa pagkamatay ng kanilang lider at founder ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na si Joma Sision.
Iba’t ibang uri ng armas at bala; handheld radios; bandleirs, base radio module; mga cellphones; mga IED o PVC Pipe Bomb ang isinuko ng mga rebelde. (Daris Jose)
Other News
  • 3 sangkot sa droga timbog sa buy-bust

    Tatlong hinihinalang sangkot sa illegal na droga ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas at Valenzuela Cities.   Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez […]

  • ‘Di kinaya na kinalaban ng ina ang negosyo nila: MATET, damang-dama ang pagiging ampon at ‘di talaga mahal ni NORA

    HINDI kinaya ni Matet de Leon na ang mismong ina niya, ang Superstar na si Nora Aunor ay kinumpetensiya pa sila sa negosyo nilang mag-asawa.   May matagal ng negosyo si Matet at ang kanyang mister na gourmet tuyo at tinapa. Pero naloka raw siyang talaga nang ang mommy niya, meron na rin “Ate Guy’s […]

  • Miyembro ng criminal gang, tiklo sa entrapment ops sa Caloocan

    LAGLAG sa selda ang isang miyembro ng ‘Dacallos Criminal’ gang na sangkot umano sa illegal na pagbebenta ng baril matapos matimbog ng pulisya sa entrapment operation sa Caloocan City.     Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa umano’y iligal na […]