56 Valenzuelano nakatanggap ng libreng bisikleta, livelihood aid
- Published on October 28, 2021
- by @peoplesbalita
INILUNSAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment – National Capital Region (DOLE-NCR) ang BikeCINATION Project at provision ng e-Loading livelihood assistance kung saan 56 beneficiaries ang ginawaran nito.
Sa tulong ng City’s Public Employment Service Office (PESO), 56 na benepisyaryo ang sumailalim sa social preparation training para matiyak ang sustainability ng kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng proyekto.
Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga displaced worker na apektado ng health at economic crisis dahil COVID-19 pandemic, mga out-of-school youth, at persons with disabilities (PWDs) kung saan fully vaccinated na rin ang mga ito.
Sila ay nakatanggap ng libreng bisikleta na may insulation bag, protective helmet, reflective vest, bike rack, water bottle, smartphone, at electronic load wallet na may P5,000 halaga ng load para suportahan ang kanilang delivery start-ups.
Dumalo sa awarding ceremony si Mayor REX Gatchalian kasama sina Atty. Marion Sevilla, DOLE-NCR Assistant Regional Director, DOLE CAMANAVA Field Office Director Rowella Grande, DOLE-CAMANAVA Senior Labor Officer G. Ronald del Rosario, at Livelihood Coordinator G. Carlo Gatchalian.
Hinikayat naman ni Ms. Carole Malenab, Public Affairs Manager ng GRAB Philippines, ang mga benepisyaryo na mag-apply bilang mga GRAB freelancer sa buong Lungsod gamit ang kanilang mga bagong bisikleta bilang karagdagang pinagkukunan ng kabuhayan.
Ang DOLE BikeCINATION ay isang espesyal na proyekto sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program na naglalayong sugpuin ang epekto ng pandemya sa pamamagitan ng pagbibigay-insentibo sa informal sector workers sa A4 category na nakakumpleto ng dalawang dosis ng COVID-19 vaccines.
Target din proyekto na hikayatin ang informal sector workers na magpabakuna upang makatulong sa paglaban ng bansa sa pandemyang ito. (Richard Mesa)
-
Tinaguriang kanang kamay ni Pope Francis nagpositibo sa COVID-19
NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang tinuturing na kanang kamay ni Pope Francis na si Cardinal Pietro Parolin. Kinumpirma ni Vatican spokesman Matteo Bruni ang pagpositibo sa virus ng 67-anyos na ikalawang mataas na opisyal ng Vatican. Kasalukuyan na rin itong naka-isolate matapos na makaranas ng katamtamang sintomas mula sa nasabing sakit. […]
-
3 drug suspects arestado sa P1M shabu
NASAMSAM ng mga awtoridad ang higit sa P1- milyon halaga ng shabu sa tatlong sangkot sa droga, kabilang ang No. 1 sa top 10 drug personalities ng Northern Police District (NPD) sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities, Martes ng gabi. Ayon kay NPD Director P/ Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong […]
-
Morales may payo kay Pacquiao
Bilang isang mabuting kaibigan, may payo si dating world champion Erik Morales kay eight-division world champion Manny Pacquiao para sa kanyang mga susunod na laban. Aminado si Morales na may bagsik pa rin ang kamao ni Pacquiao na kitang-kita sa kanyang huling dalawang laban kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman noong nakaraang taon. […]