• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Morales may payo kay Pacquiao

Bilang isang mabuting kaibigan, may payo si da­ting world champion Erik Morales kay eight-division world champion Manny Pacquiao para sa kanyang mga susunod na laban.

 

Aminado si Morales na may bagsik pa rin ang kamao ni Pacquiao na kitang-kita sa kanyang huling dalawang laban kontra kina Adrien Broner at Keith Thurman noong nakaraang taon.

 

Subalit para kay Morales, kailangang maging matalino si Pacquiao sa pagpili nito ng makakalaban lalo pa’t nasa edad 41-anyos na ito at nakatakdang magdiwang ng ika-42 kaarawan sa Disyembre.

 

Ayon kay Morales, mas maigi na iwasan nito ang mga batang boksingero na nasa peak ng kanilang boxing career gaya ni Errol Spence na nagmamay-ari ng World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight titles.

 

“I don’t think it’s a good fight for Manny Pacquiao to face Errol Spence Jr., he’s over ten years younger. Pacquiao is already 42, he needs to pick opponents similar to him now,” ani Morales sa panayam ng Fino Boxing.

 

Ang welterweight division ang pinaka-kumpor­tableng dibisyon ni Spence at ito ang weight class kung saan ito pinakamalakas.

 

Isa lamang si Spence sa mga kandidatong makalaban ni Pacquiao sa kanyang pagbabalik-aksyon sa susunod na taon.

 

Kasama rin sa listahan si Terence Crawford na sariwa pa sa matagumpay na fourth-round knockout win kay Kell Brooks ng Great Britain.

Other News
  • Suplay ng bigas, sapat hanggang sa susunod na taon- DA

    TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) sa mga sambayanang filipino na may spaat na suplay ng bigas ang bansa.     Tatagal ito ng hanggang susunod na taon dahil sa  “bumper” harvest sa panahon ng wet season o tag-ulan sa bansa.     Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isinagawang  “Bagong Pilipinas […]

  • Paghuhubad sa maskara sa mga communist-terrorists, bahagi ng ‘sacred duty”

    PINAGTANGGOL ng  National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang sarili nito mula sa panawagan ni Justice secretary Menardo Guevarra  na iwasan na ang red-tagging nang walang  konkretong ebidensiya.     Ang buwelta ni   NTF- ELCAC spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa pahayag na ito ni Guevarra ay ginagawa lamang nila ang kanilang […]

  • Cabinet officials ni PBBM, sumabak na sa trabaho

    MAY ILANG  miyembro na ng gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagsimula nang sumabak sa kanilang trabaho.     Sa katunayan, may ilan ang nag- first day “warming up” na sa kanilang staff at sinasanay na ang kanilang sarili sa tanggapan na kanilang magiging  “official home” sa mga darating na araw.     Isa […]