571 COVID-19 case kada araw sa SoKor, kinumpirma
- Published on March 2, 2020
- by @peoplesbalita
KADA araw ay nakakapagtala ng aabot sa 571 kaso ng coronavirus disease (COVID-19), ayon sa South Korean Centers for Disease Control and Prevention.
Ang 571 cases ay kinumpirma ng SoKor nitong Biyernes (February 28) ng hapon, kabilang na ang 256 kaso na inanunsiyo ng umaga sa parehong petsa.
Dahil dito ay nakapagtala ng national total na 2,337 cases, na sinasabing pinakamalaki at pinakamalawak na ‘outbreak’ sa labas ng mainland China.
Sa report, ang nasabing numero ng mga kaso na kinumpirma ay mas mataas ng 67 kumpara nitong Huwebes na nakapagtala lamang ng 505 cases.
Batay sa huling tala, ang tinamaan ng outbreak ay kinabibilangan ng isang military personnel, dahilan upang umabot sa total na 26 ang nakumpirmang kaso sa South Korean military.
Wala pa namang napaulat na namatay kaya nanatili sa bilang na 13 ang naitalang national death toll.
Nabatid na sa 571 bagong kaso, 447 ay mula sa Daegu, kung saan naka-concentrate o epicenter ng outbreak.
Karamihan sa naitalang mga kaso ay naka-link sa religious group sa lungsod.
-
May explanation ang ‘Magandang Dilag’… HERLENE, minsan nang na-late sa taping pero ‘di na naulit
NAKAKAKUHA ng mataas na rating na 11.3 percent last July 26, ang GMA Afternoon drama series na “Magandang Dilag” na nagtatampok kina Herlene Budol, Rob Gomez at Benjamin Alves. Kaya naman labis ang pasasalamat ni Herlene sa mga viewers ng serye, nang ma-interview siya ni Kuya Kim Atienza sa programa nitong “Dapat Alam […]
-
Relief goods lulan ng BRP Tubbataha nakatakdang ipamahagi
Kaagad nang ipapamahagi sa mga apektadong pamilya sa Bohol ngayong araw ang mga relief supplies na dala ng BRP Tubbataha. Ito ay matapos na makarating na sa Central Visayas ang naturang barko ng ulan ang 270 sako ng bigas, 37 piraso ng tarpaulin, apat na drum ng gasolina, apat na solar sets, dalawang […]
-
50K tauhan ng PNP, BFP idineploy
Mahigit sa 50,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang idineploy ng pamahalaan para matiyak ang maayos na daloy ng national COVID-19 vaccine rollout sa bansa. Kasunod na rin ito nang inaasahang pagbabakuna ng pamahalaan ngayong Hunyo ng may 35.5 milyong manggagawa na nasa ilalim ng A4 […]