5K-10K COVID-19 cases kada araw babala ng OCTA
- Published on April 29, 2022
- by @peoplesbalita
MULING nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring umakyat ng 5,000 hanggang 10,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa bagong Omicron variants.
Ginawa ng OCTA ang pagtataya base sa nakita nila na pagtaas ng kaso sa South Africa dulot ng BA.4 at BA.5 variants sa New Delhi sa India dulot ng BA.2.12 at sa Estados Unidos dulot naman ng BA.2.12.1.
“We might see 5,000 to 10,000 cases per day but nowhere near the 40,000 cases we saw back in January but of course, that is still subject to change because we’re still monitoring the trends in India and US,” ayon kay OCTA fellow Dr. Guido David.
Ipinaalala nila sa mga Pilipino na maaaring ‘mild’ lamang ang epekto nito sa mga bakunado ngunit hindi sa mga hindi pa nababakunahan na populasyon o sa mga may ‘comorbidities’.
Bukod sa mas nakahahawa ang mga bagong variants, ilan sa factors na nakita para magkaroon ng panibagong surge ang pagbaba ng pagsunod ng publiko sa ‘minimum health standards’, pagbaba na ng nakuhang ‘immunity’ mula sa bakuna, at malakihang mga pagtitipon na may kaugnayan sa halalan.
Kung aakyat lang sa 5,000 ang arawang kaso, wala naman umanong pangangailangan para itaas ng gobyerno ang alert level, ayon pa kay David. Kailangan lamang magpabakuna ng populasyon na hindi pa nakakatanggap nito at magpa-booster ang mga kuwalipikado na.
Samantala, nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA 2.12 na natuklasang taglay ng isang 52-anyos na babae mula sa Finland na bumisita at nag-lecture sa isang pamantasan sa Baguio City.
Ang BA 2.12 ay isang ‘highly-transmittable mutation’ ng Omicron variant, na kumalat ngayon sa Estados Unidos at sa South Korea.
Ayon kay epidemiology nurse Karen Lonogan ng DOH sa Cordillera, nakarekober na ang naturang babae at nakabalik na rin sa kaniyang bansa.
Ito ang kauna-unahang BA 2.12 na kaso sa bansa.
Wala namang nahawa sa naturang ‘mutated virus’, ayon sa DOH.
-
Pag-revise sa 2022 economic growth targets sa gitna ng expanded Alert Level 3, masyado pang maaga- NEDA
MASYADO pang maaga para baguhin ng economic managers ang growth targets para sa 2022 sa gitna ng pinalawig na Alert Level 3 sa Kalakhang Maynila at 50 iba pang lugar hanggang katapusan ng Enero. “With respect to the target for the year, it’s still early days to be revising it whether upwards or […]
-
Granular lockdown sa NCR mahigpit na ipatutupad ng PNP
Todo bantay at mahigpit na tutulong ang Philippine National Police (PNP) sakaling magpatupad ng mga ‘granular lockdowns’ ang mga local government unit (LGU) sa buong Metro Manila matapos na isailalim na ito sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ),ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar. Una rito, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority […]
-
BONGBONG ‘LUCKY 8’ SA LISTAHAN NG MGA KANDIDATO NG COMELEC
NAG-IISA na lamang ngayon si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na may apelyidong Marcos base sa inilabas na candidates’ list ng Commission on Election (Comelec). Sa pinakahuling listahan ng Comelec na isinapubliko nitong Enero 4, 2022, lumalabas na si Marcos Jr., ang presidential candidate number eight. Ang […]