5k healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho, simula na sa Enero 1, 2021
- Published on November 25, 2020
- by @peoplesbalita
NAKATAKDANG magsimula sa Enero 1, 2021 ang bagong polisiya ng pamahalaan na pinapayagan ang 5,000 healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho kada taon.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aralan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng COVID-19 task force ang nasabing usapin.
“Ipinairal ang balancing of interests kung saan tiningnan ang pangangailangan sa bansa ng nurses, nursing assistants, nursing aides habang ikinunsidera rin ang pagkilala ng talento ng mga Pilipino sa ibang bansa at demand sa ating mga kababayan sa ibayong dagat,” ayon kay Sec. Roque.
Kamakailan ay inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng mga opisyal ng pamahalaan na alisin ang temporary suspension ng overseas deployment ng mga nurses at iba pang health workers sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ani Sec. Roque, ang pagbawi sa deployment ban ay alinsunod sa polisiya ng pamahalaan na “promoting full employment, rising standard of living, and improving the quality of life for all.”
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang 5,000 na bilang ng mga health workers ay maaaring madagdagan kapag naging mas maayos pa ang sitwasyon ng bansa laban sa COVID-19.
“Nagkaroon naman po ng kasiguraduhan ang DOH [Department of Health] na sapat po ang ating mga health professionals dito sa Pilipinas,” ayon kay Sec. Roque.
Nauna rito, kinumpirma Department of Labor and Employment (DOLE) na binawi na ni Pangulong Duterte ang “deployment ban” sa mga nurses at iba pang health workers sa ibayong dagat,
Ayon kay Sec. Roque, ang lifting ng ban ay “effective immediately” kaya’t maaari nang makaalis ang libong nurses at medical workers na nag-aasam na makapagtrabaho sa ibang bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Gayunman, nilinaw ng Kalihim na 5,000 health workers lang ang pinapayagang ma-deploy sa ibang bansa kada taon upang matiyak na ang Pilipinas ay may sapat pang medical professionals lalo na ngayong ang bansa ay pangalawa sa may pinakamataas na bilang COVID-19 cases sa Southeast Asia.
Sa nakaraang desisyon, pinayagan lamang ni Duterte ang health professionals na may kumpleto nang employment documents at visa hanggang Agosto 31 na makaalis ng bansa. (Daris Jose)
-
MM mayors, patuloy na inihihirit ang GCQ
PATULOY na inihihirit ng mga Metro Manila Mayors na manatili sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ang kani-kanilang mga nasasakupan. Ito ang sinabi ni National Task Force on COVID 19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez base na rin sa kanilang pakikipag- usap sa mga Mayor dito sa NCR. Base sa inilatag na rekomendasyon ng […]
-
Kelot na nanggahasa sa dalagita, timbog sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang 19-anyos na lalaking wanted sa mabigat na kasong panggagahasa matapos kumagat sa pain ng pulisya nang muling makipagkita sa biktima sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Si Mark Jayson Pasamonte, residente ng De Castro Purok 4, Mapulang Lupa, Ugong, Valenzuela City ay nahaharap sa tatlong bilang na […]
-
‘Kailangan kayo ng bansa’
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga magagaling na scientists, engineers at technical experts na bumalik sa bansa upang maibalik ang galing ng Pilipinas. Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng Filipino community sa New Jersey Performing Arts Center sa New Jersey, USA hinikayat niya ang mga matatalinong Filipino scientists na bumalik […]