• April 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

5th All Asia Cup 2020: Pilak, nasungkit ng GP-PH

PALABANG nakakopo ng silver medal ang GlobalPort-Philippine team sa 5th All Asia Cup 2020 na nitong Pebrero 2-9 sa VS Sports Club & Siam Polo Park sa Preng, Thailand.

 

Nabigo man sa host team sa gold medal game sa anim na koponang torneo, kuntento naman si Philippine National Federation of Polo Players (PNFPP) founding director at House Deputy Speaker Michael Romero sa niladlad ng koponan.

 

“Up against some of the best teams in the Asian region, we proved we can be at par with them,” bulalas nitong Martes ni Romero, kasapi ng PH squad na naka-bronze medal sa 30th Southeast Asian Games PH 2019 sa world-class Miguel Romero Field sa Calatagan, Batangas noong Disyembre.

 

“Given more time to train and play in various tournaments abroad, I strongly believe we can play much better the next time. The chemistry is there so we just have to sustain it,” panapos niyang sambit.

 

Pagkayuko sa unang laro kontra rin sa Thais, rumesbak sina Anthony Garcia, Adrian Garcia, Robert Esguerra at Romero laban sa Brunei sa dikdikang quarterfinals, 10-9, at Indonesia sa semifinals, 8-5.5, para makapasok sa finals.
Inumpisahan ang polofest ni dating King Power Duty Free owner Vichai Srivaddhanaprabha para mapasigla ang sport sa rehiyon. (REC)

Other News
  • Iniimbestigahan sa presinto patay

    PATAY ang isang di pa nakikilalang lalaki nang tangkain nitong barilin ang pulis na mag-iimbestiga sana sa kanya sa loob ng nag Manila Police District-Police Station 2, kamakalawa ng gabi sa Tondo,Maynila.   Inilarawan ng MPD-PS2 ang suspek na nasa edad 30-35, kayumanggi,katamtaman ang pangangatawan at may mga tattoo sa katawan, paa at braso.   […]

  • Sec. Cimatu, sinuspinde ang quarry operations sa Guinobatan, Albay

    SINUSPINDE ni Environment Secretary Roy Cimatu ang quarry operations sa Guinobatan, Albay makaraan ang pinsala na dulot ng Bagyong Rolly.   Sa press briefing, sinabi ni Cimatu na may apat na katao ang namatay at tatlo naman ang nailibing ng rumagasang lahar mula Mayon Volcano.   Ani Cimatu, malakas kasi ang agos ng tubig- baha […]

  • Na-challenge sa role ni former Pres. Ferdinand Marcos: CESAR, binigyan lang ng seven days para makapaghanda

    LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.     Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee […]