• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 arestado sa tupada sa Valenzuela

Anim katao kabilang ang tatlong senior citizen at isang bebot ang arestado matapos salakayin ng pulisya ang isang illegal na tupadahan sa Valenzuela city.

 

 

Kinilala ni Northern Police District (NPD) PBGEN Nelson Bondoc ang mga naaresto na si Francisco Valenzona Jr., 61, Hermande De Jesus, 61, Willington Grefalda, 73, Jay-Jay Samonte, 31, Larry George Diamante, 27, Fish Vendor at Mary Jane Dupalco, 32, fish vendor.

 

 

Ayon kay PBGEN Bondoc, nakatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant ang mga operatiba ng NPD District Special Operation Unit (DSOU) hinggil sa nagaganap na illegal na tupadahan sa Galas St., Brgy. Bignay, Valenzuela City.

 

 

Kaagad bumuo ng team ang mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni DSOU OIC PMAJ Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Allan Umipig, kasama ang 4th MFC-RMFB NCRPO sa pangunguna ni company commander PLT Abe Lunggami.

 

 

Dakong alas-11:30 ng umaga nang salakayin ng pinagsamang team sa pamumuno ni PMAJ Cerillo ang naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Ani PSSg Allan Reyes na kasama sa operation, narekober ng team sa lugar ang dalawang panabong na manok na may tari at P2,300 bet money sa magkakaibang domination na nakuha naman sa collector kasador na si Valenzona. (Richard Mesa)

Other News
  • Davao mafia,’ pagkakilanlan ng ‘reyna’ sa susunod na pagdinig ng Quad

    NANGAKO si dating Customs intelligence officer Jimmy Guban na ibubunyag niya ang nasa likod ng sinasabing “Davao mafia” at pagkakilanlan ng “queen” na kanilang pinoprotektahan at ilalagak bilang presidente sa 2028 sa tamang panahon.   Hiniling ni Guban, whistleblower sa Quad Comm, ng dagdag panahon upang ihayag ang mga impormasyon na kanyang nalalaman dala na […]

  • 93 magsasaka, supporters inaresto sa ‘bungkalan’ sa Tarlac; red-tagging inireklamo

    DINAMPOT ng pulisiya ang lagpas 90 aktibista’t magsasaka sa Concepcion, Tarlac, Huwebes, para sa reklamong “malicious mischief” at “obstruction of justice” sa isang sakahan — pero ayon sa mga grupo, benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang mga nabanggit noon pang 1998 at magtatanim lang.     Ayon sa Police Regional Office 3, 9 a.m. […]

  • 4 tulak tiklo sa Navotas, Valenzuela buy bust

    APAT na hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Navotas at Valenzuela Cities, kahapon ng madaling araw.     Sa kanyang kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na […]