• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 Chinese PDL nakatakas sa kulungan muling naaresto ng QCPD

Muling naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District Tactical Motorized Unit (TMU) at Criminal Investigation Unit (CIDU) ang anim na Chinese PDL o Persons Deprived of Liberty sa ikinasang tracking operations bandang alas- 9:30 ng gabi nuong Martes June 23, 2020 malapit sa isang creek sa Mapagkumbaba St. corner Fugencio St. Brgy. Cruz na Ligas, Quezon City.

Ito ang kinumpirma ni Quezon City Police District Director (QCPD) Police Brigadier General (PBGEN) Ronnie S Montejo.

 

Kinilala ni Montejo ang anim na naarestong Chinese na sina Zhang Yi Xin, Ludong Jin, Song Qicheng, Lu Yinliang, Huang Yong Qiao at Chen Bin.

 

Nadiskubring missing o nawawala ang anim na Chinese PDL ng magsagawa ng headcount sa temporary detention facility sa loob ng Camp Karingal nuong June 22, 2020.

 

Siniguro naman ni Montejo kahit muling naaresto ang anim na mga Chinese, magpapatuloy pa rin ang kaso laban sa 15 pulis na naka assign sa District Mobile Force Battalion na sila ang naka duty ng mangyari ang insidente.

 

Sinabi ni Montejo ang anim na Chinese ay kasama sa 51 na may Commitment Order na sa kasong Syndicated Estafa na inilabas ni Judge Jesus P Mupas ng RTC Branch 122 .

 

Kasong administratibo at criminal ang kahaharapin ng mga ito.

 

Agad namang dinis-armahan ang mga nasabing pulis dahil sa paglabag sa Article 224 of the Revised Penal Code otherwise known as Evasion through Negligence.

 

Pinuri ni Montejo ang mga tropa na responsable sa re-capture ng anim na Chinese PDL.

Dahil sa insidente sinibak sa pwesto ni BGen Montejo ang 15 pulis kabilang ang isang Police major. (Daris Jose)

Other News
  • Dahil inakalang nang marami na ikakasal na sila: BIANCA, nilinaw na old photo yun at teaser ng project nila ni RURU

    CONGRATULATIONS to Matteo Guidicelli, the first celebrity reservist to join the VIPPC training program. Matteo has finished the Very Important Person Protection Course (VIPPC) under the Presidential Security Group (PSG) as part of its class 129-2022.     Nag-share si Matteo ng photos sa kanyang Instagram ng graduation ceremony niya last Monday, October 24, na […]

  • NCR, mananatili sa Alert level 2 hanggang katapusan ng Nobyembre

    MANANATILI sa  Alert Level 2 ang  National Capital Region, epektibo Nobyembre 15, 2021 hanggang Nobyembre 30, 2021.     Bukod sa NCR, ang mga  lugar ng  Nueva Ecija, Bataan, Aurora, Pampanga, Bulacan, Tarlac, Zambales, Olongapo at Angeles City sa Region III; Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Lucena City sa Region IV-A; Bacolod City, Iloilo City, Negros […]

  • Vape Bill, tuluyan nang naging batas, kahit ‘di nilagdaan ng Pangulo

    GANAP nang naging  batas ang kontrobersiyal na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act o mas kilala bilang Vape Bill.     Ito’y kahit hindi nilagdaan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bill.     Nagpaso na rin kasi ang kapangyarihan ng presidente na i-veto ito, matapos lumagpas sa isang buwan na hindi naaksyunan ang […]