• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dalawang panukala para sa pagkakaroon ng Bayanihan 3, tinalakay

Kumpiyansa si House Ways and Means Chairman Joey Salceda na sa ilalim ng House Bill 8059 o Bayanihan to Rebuild as One Act ay tataas ang GDP baseline ng bansa sa 2021 sa 1.90% at magreresulta ito sa 78,000 na trabaho.

 

Pangunahin target na tugunan sa bersyon ng Bayanihan 3 na inihain nila Salceda, Majority Leader Martin Romualdez at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin ang bakuna laban sa COVID-19 at pagbibigay ng relief para sa mga kababayang apektado rin ng sunud-sunod na bagyo.

 

Sa P302 Billion proposed budget sa Bayanihan 3 ay P75 Billion dito ang ilalaan para sa procurement ng COVID-19 vaccine dahil sa kalagitnaan ng 2021 inaasahan ang mas malaking pangangailangan para sa bakuna, gamutan at recovery ng mga magkakasakit.

 

Samantala, P90 Billion naman ang natukoy ng National Economic and Development Authority (NEDA) na pangangailangan para sa mga sinalanta ng kalamidad.

 

Ang House Bill 8031 o Bayanihan to Arise as One Act ni Marikina Rep. Stella Quimbo naman ay isinusulong ang dagdag na P400 Billion para sa susunod na taon.

 

Tinukoy ni Quimbo na hindi sapat ang P4.5 Trillion na 2021 national budget para tugunan ang lahat ng pangangailangan sa pandemya.

 

Kailangan aniyang gumastos ng malaki ang gobyerno sa susunod na taon upang matiyak ang muling pagikot at tuluy-tuloy na pagbangon ng ekonomiya.

 

Aabot sa P400 Billion ang dagdag na budget spending sa ilalim ng Bayanihan 3 ni Quimbo kung saan P330 Billion dito ay para sa COVID-19 response habang P70 Billion naman ay para sa disaster response.

 

Sa pondong ito, P25 Billion ang para sa COVID-19 vaccines, P70 Billion para sa ayuda, P30 Billion sa mga displaced workers, P5 billion pesos para sa internet allowances ng mga guro at mga magaaral,  P100 billion para sa worker subsidies at 100 billion para sa ibang industriya na apektado ng pandemya. (ARA ROMERO)

Other News
  • John Wick: Chapter 4′ Adds Clancy Brown to Cast of Badasses

    SCREEN veteran, Clancy Brown has recently signed by Lionsgate to join the cast of John Wick: Chapter 4.     Brown, who boasts an impressive list of over 60 film credits to his name, including playing The Kurgan in the 1986 fantasy classic, Highlander, Starship Troopers, The Shawshank Redemption, The Adventures of Buckaroo Banzai Across the 8th Dimension, […]

  • Celtics inangkin ang 2-1 bentahe

    NAGPASABOG  sina Jayson Tatum at Jaylen Brown ng pinagsamang 53 points para banderahan ang Celtics sa 116-100 paggiba sa Golden State Warriors sa Game Three ng NBA Finals sa TD Garden.     Bumalikwas ang Boston mula sa kabiguan sa Game Two sa San Francisco para kunin ang 2-1 lead sa ka­nilang best-of-seven series ng […]

  • 2 pushers kulong sa baril at shabu

    Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.   Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher). […]