• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects arestado sa Valenzuela buy-bust

Timbog ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis ang sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Christopher Quiao, alas-12:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa lilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang buy-bust operation sa 2012 Santos Subdivision Gen T. De Leon.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Racquel Dela Cruz, 40, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring dinampot ng mga operatiba si Jojit Paredes, 46, company driver, Joselito Karandang, 50, at Rainer Bautista, 47, electrician matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 gramo ng shabu na nasa P13,600 ang halaga, buy-bust money, P500 bill at ilang drug paraphernalias.

 

Nauna rito, alas-7 ng gabi nang madakma din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU si John Bernard Adriano alyas Pusa, 25, at Jomar Marquez, 33, sa buy-bust operation sa Urrutia St. Gen. T. De Leon.

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober sa mga suspek ang isang gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, at P300 buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • Japan ipinagmalaki ang mabisang gamot laban sa COVID-19

    IPINAGMALAKI ng kumpanyang Shionogi & Co Ltd. sa Japan na mayroong mabilis na epekto ang kanilang gamot laban sa COVID-19.     Ayon sa datus ng Japanese drug maker na mabilis nitong pinapagaling ang mga nagpositibo sa COVID-19.     Patuloy na ini-evaluate ng mga Japanese regulators ang nasabing S-217622 pill ng nasabing kumpanya.   […]

  • Para sa single at babae lang ang ‘Miss Universe’: GLORIA, ‘di pabor na makasali ang may asawa, may anak at transsexual

    HINDI pabor si Gloria Diaz na makasali sa Miss Universe ang mga may asawa, may anak, at transsexual.     Kauna-unahang Pilipinang Miss Universe si Gloria kaya may bigat ang kanyang opinyon o pananaw tungkol dito.     “Di dapat, Universe na lang, huwag nang Miss. Kasi, hindi na Miss yun, di ba,” umpisang sagot […]

  • Wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency-DTI

    NANINIWALA si Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez na wala pang dahilan para magdeklara ng state of economic emergency dahil naghahanda ang pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng tumataas na presyo ng langis.     “At the moment, we don’t think na kailangan na ‘yun. Right now, we’ve outlined […]