• April 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, nanawagan sa mga lokal na opisyal ng Luzon na makipagtulungan sa gobyerno para sa paghahatid ng suplay ng pagkain sa NCR

NANAWAGAN ang Department of Agriculture sa lahat ng mga provincial chief executives at sa mga municipal mayors sa luzon na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno upang hindi maantala ang paghahatid ng suplay ng pagkain sa National Capital Region at mga karatig- lalawigan na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (mecq).

Nakarating kasi kay Agriculture Sec. William Dar ang impormasyon na may mga sasakyang nagde-deliver ng pagkain ang hindi makalusot sa mga inilatag na checkpoint sa bahagi ng Benguet province.

Kaya ang pakiusap ni Sec. Dar sa mga local chief executives, partikular na sa Benguet LGU ay makipagtulungan sa kanilang ahensya para matiyak na walang mabubulok na mga gulay o pananim na galing ng Benguet at maayos itong makararating sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, kumikilos na ang regional field office ng DA sa Baguio City upang hindi na magkaroon pa ng pagkaantala ang delivery ng mga suplay ng pagkain patungo sa NCR at mga karatig lalawigan na muling ibinalik sa MECQ .(Daris Jose)

Other News
  • Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na

    LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China.   Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China. […]

  • Black nais ang PBA championship, ROY

    PINAPAKAY ng anak ni Philippine Basketball Association (PBA) 1989 Grand Slam coach Norman Black ng Meralco Bolts na si Aaron Black na makasungkit agad ng kampeonato sa pro league at ang Rookie of the Year Award.   “Of course every rookie that comes to the league wants to earn the Rookie of the Year as […]

  • PCSO kasado na sa pamamahagi ng ayuda

    TINIYAK ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) na handa na sila sa pamamahagi ng relief goods para sa mga taong maaapektuhan ng bagyong Betty.     Kasunod ito sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa lahat ng kinauukulang ahensya na kailangan maghanda para sa malawakang operasyon ng pagtulong sa mga lugar na maaapektuhan […]