• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 na atleta handa na sa pagsabak sa 2020 Tokyo Paralympics

Lilisan na sa Linggo, Agusto 22 ang excited na anim na mga para-athletes ng Pilipinas sa sasalihang 2020 Tokyo Paralympics na gagawin mula Agosto 24 hanggang Septyembre 5 sa Tokyo, Japan.

 

 

Ang nasabing mga atleta ay kinabibilangan ng tig-dadalawa para sa swimming at athletics at tig-iisa naman para sa powerlifting at taekwondo.

 

 

Inihayag ng taga-Davao City na para-swimmer na si Ernie Gawilan, na kampante silang makakakuha ng medalya sa kanilang pagsali sa malaking sporting events sa buong mundo lalo na’t ilang taon din silang nag-training.

 

 

Aminado naman itong malaking hamon para sa kanila ang mga contingents mula sa Urupa at sa Estados Unidos na parehong malalakas kung saan ang iba sa kanila ay kanila ng nakaharap sa ibang mga international competitions habang ang iba naman ay mga bago pa.

 

 

Dagdag pa ni Gawilan, in-born na siyang walang isang kamay at dalawang paa habang ang iba niyang mga kasamahan gawas sa powerlifting ay isa namang polio victim habang sa athletics ay partially blind naman.

 

 

Saysay pa ni Gawilan na sa simula pa lang ay mahirap para sa kanila ang pagsasanay dahil sa kanilang kondisyon ngunit dahil sa disiplina at determinasyon ay kanilang nalampasan ang lahat ng uri ng mga pagsubok hanggang sa kanya-kanya silang nanalo sa kani-kanilang field.

 

 

Noong sumali umano siya sa Asian Para-Games na lumahok ang 45 mga bansa ay nakakuha ang Pilipinas ng 3 golds at 2 silver medals kung saan isa siya sa mga naka-gold.

 

 

Dito siya nakatikom ng malaking halaga ng pera dahil sa ibinigay na incentives ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng gobyerno na kalahati sa inilalaan na insentibo sa mga regular athletes.

Other News
  • VIN DIESEL VS. JASON MOMOA: “FAST X” To Furiously Rev Up PH Cinemas

    THE ‘Fast and Furious’ franchise has been a global sensation for more than two decades, with each new film generating anticipation among fans. The franchise has evolved from street racing to heists and espionage, all while maintaining the central themes of fast cars, thrilling action and family.     With “Fast X,” fans can expect […]

  • HANDA NA SA FACE-TO-FACE CLASSES, AYON SA DOH

    HANDA  na ang bansa para sa  face-to-face classes sa kabila ng pagtaas ng kaso COVID-19 ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     “Well, at this point that you ask me, right now, I can say that we are ready. Ma-sustain lang natin na ang mga kaso nga like the ordinary flu — it’s […]

  • Back-riding na mag-asawa puwede na sa motorcycle

    Simula noong Biyernes, July 10 ay pinayagan na ng pamahalaan ang pagsakay ng mag-asawa sa motorcycle subalit kinakailangan silang sumunod sa mga health standards na pinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).   Isa sa mga mandatory health requirements ay ang paglalagay ng body shields sa pagitan ng driver […]