• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 pang probinsya, nagtala ng ASF outbreak – DA chief

IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa.

 

Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.

 

“Ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag- iimplement ng elevated quarantine measures,” wika ni Dar.

 

Batay sa pinakahuling datos mula sa kagawaran, umabot na sa mahigit 300,000 mga baboy ang kinatay sa 28 probinsya.

 

Upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit, nagpatupad ng mahigpit na movement protocol ang gobyerno sa mga pork products at sa mga buhay na baboy.

 

Para makatulong naman sa mga apektadong hog raisers, sinabi ng kalihim na nagbibigay ng P5,000 kompensasyon ang kagawaran para sa kada baboy na isasailalim sa culling.

Other News
  • Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR

    TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.   Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangi­ngisda sa ilang lugar.   “Dahil nasa peak season tayo ngayon […]

  • Risk allowance ng 20K health workers mababayaran na

    Nangako si Health Secretary Francisco Duque III na mababayaran na ang P311 Special Risk Allowance ng 20,000 pang healthcare workers.     Sa kanyang pag­harap sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Duque na natukoy na ang nasabing mga healthcare workers at maibibigay na ang SRA ng mga ito ngayong araw.     […]

  • CHRISTIAN, hiyang-hiya na napaniwala at napa-order sa viral na ‘Pop Star Meal’; umaapela na baka puwedeng totohanin

    NAKAKAALIW ang naging experience ni Christian Bables nang patulan niya ang viral na Fan-made Jollibee ‘Pop Star Meal’.     Sa kanyang twitter post, “Nag drive thru ako for the pop star meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa.     “Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo […]