Diaz kumpiyansa sa Olympic gold medal
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
MALAKI ang paniniwala ni Hidilyn Diaz na mananalo na siya ng gold medal sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na iniurong lang ng July 23-August 8, 2021 sa Tokyo, Japan dahil sa pandemya.
Ito’y makalipas na madale ng 29 na taong-gulang,may taas na 4-11 at tubong Zamboanga City ang silver sa Rio de Janeiro, Brazil sa ikatlo niyang sunod na quadrennial sportsfest. Nag-2008 Beijing at 2012 London din ang dalagang atleta na isang sundalo rin.
Stranded sa Malaysia ang Pinay lifter at kanyang team sapul pa noong Marso hanggang ngayon nang maipit doon ng lockdown dahil sa Covid-19. Pero opitimistiko siyang bahagi ang paghihirap na pinagdaraanan sa Muslim country para magtagumpay sa nalalapit na Tokyo Games.
“I’m still continuing this journey towards the Olympics because I believe that I can win. I believe that God has a plan for me that I believe that I will win at the Olympic Games for the Philippines,” bulalas ng Chavacana hoister sa panayam ng Olympic Channel.
Sumalang siya sa unang dalawang Olympics sa 58-kilogram event. Lumanding si Diaz na 10th place sa Beijing, bago dna-isqualified ang clean and jerk niya sa London, nadulas at na-injured siya.
Isa pa iniisip na rin niya ang Tokyo Games na rin ang huli niyang pagbuhat ng barbel.
“I hope so. Because I need life after sports. I don’t know what my body will say… ‘Oh, you need to rest. Your body cannot do it anymore’. As you age, you lose your ability for heavy lifting,” panapos na litanya ni Diaz sa International Olympic Committee (IOC) television service na ilang ulit na siyang tinampok bago ito.
Walang gold ang ‘Pinas sapul nang unang lumahok noon pa simula sa 1924 Paris Olympics. (REC)
-
2 most wanted sa rape at murder, timbog sa Caloocan at Valenzuela
INANUNSYO ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang pagkakaaresto sa dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities. Ayon kay Col. Peñones, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section […]
-
MANCAO, ITINALAGANG CYBERCRIME CENTER CHIEF
ITINALAGA si dating police officer Cezar Mancao II bilang chief ng Cybercrime center. Ito ang kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kung saan si Mancao ay executive director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC). Sa kabila nito, hindi alam ng DICT kung kelan magsisimulang manunungkulan si Mancao sa kanyang […]
-
UST, kokoronahang overall champion ng UAAP Season 82
Nakatakdang koronahan bilang overall champion ang University of Santo Tomas (UST) sa kinanselang UAAP Season 82 bunsod ng coronavirus pandemic. Nadagit ng UST ang pangkalahatang kampeonato sa likod ng limang titulo sa seniors division: men’s at women’s beach volleyball, men’s at women’s table tennis, at men’s judo. Gayunman, wala raw munang gagawaran ng […]