6 person of interest sa Lapid slay case, nasa kustodiya na ng mga awtoridad – Remulla
- Published on October 28, 2022
- by @peoplesbalita
NASA kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang anim na person of interest sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Ibinunyag din ng Justice chief na isa sa nasa pangangalaga ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation ay posibleng may kaugnayan sa biglaang pagkamatay ni Jun Villamor habang nasa New Bilibid Prison, na isa sa itinuturing na middleman sa pagpatay kay Lapid.
Subalit nilinaw ni Remulla na ang tatlong person of interest na magkapatid na sina Edmon Dimaculangan at Israel Dimaculangan at isang kilala bilang Orly/Orlando ay wala pa sa kustodiya ng mga awtoridad.
Gayunpaman ayon kay Remulla ang mahalaga ay nasa kanila ng kustodiya at ligtas ang mga binanggit ng kapatid ng nasawing middleman.
Magugunita na unang lumantad at lumapit ang kapatid na babae ng nasawing middleman kay Senator Raffy Tulfo kung saan kaniyang ibinunyag na mayroon siyang hawak na impromasyon mula sa kaniyang kapatid tungkol sa tatlong inmates, na inilagay na sa witness protection program, na kailangang maimbestigahan sakaling ito ay mamatay. (Daris Jose)
-
OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU
NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari. […]
-
Wala nang “for later release” o FLR sa 2023 National Budget
INIHAYAG ni House Speaker Martin Romualdez, na mismong si Budget Secretary Amenah Pangandaman ang nagsabi na wala ng FLRs sa susunod na taon. Kasunod ito ng pag-ratipika ng Kamara sa panukalamg pambansang pondo para sa susunod na taon. Matatandaan na marami sa mga mambabatas ang kumuwestiyon sa FLR na ipinatupad sa […]
-
PruRide bikefest sa Nobyembre
KINANSELA ang PruRide PH sa kaagahan ng taon dahil sa Covid-19, pero nagbago ang ihip ng hangin para sa organizer kaya pepedal pa rin ang bikefest sa virtual edition na nga lang muna sa darating na Nobyembre. “From the physical, ginawa na namin sa virtual. I definitely realized that you can also do so […]