• June 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OBRERO TIMBOG SA P23-K SHABU

NATIMBOG ang isang obrero na sangkot umano sa pagtutulak ng illegal na droga matapos bentahan ng shabu ang isang pulis sa buy-bust operation sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Mark Del Mondo alyas Tolo, 34, ng Tulay 1, Brgy. Daanghari.

 

Sa imbestigasyon ni PCpl Renato Panganiban Jr., alas-8:45 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra sa suspek Tulay 1.

 

Nagawang makabili sa suspek ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga sa P300 ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nang tanggapin ng suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng droga ay agad siyang dinamba ng mga operatiba at nakuha sa kanya ang aabot sa 3.5 gramo ng shabu na nasa P23,800 ang halaga at buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • Three of the Best Forces in Philippine Cinema Gather in ‘Uninvited’

    PHILIPPINE cinema’s brightest stars come together in ‘Uninvited’, a gripping thriller-drama set to electrify this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF) as it celebrates its golden anniversary.     Loading the powerhouse ensemble cast are Aga Muhlach, Nadine Lustre, and the Star for All Seasons Vilma Santos, supported by an impressive lineup that includes RK […]

  • YASMIEN, dapat pasalamatan ni ALWYN sa pagkakaayos nila ni JENNICA

    PWEDENG pasalamatan ni Alwyn Uytingco ang co-star ni Jennica Garcia na si Yasmien Kurdi sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Las Hermanas na mapapanood na simula sa October 25.     Although bida-kontrabida silang dalawa rito bilang first kontrabida role nga ito ni Jennica, sa lock-in taping kunsaan, unang sabak muli ni Jennica sa taping […]

  • Mga Pinoy sa Lebanon, hinikayat ng DFA na umuwi na ng Pinas

    NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Overseas Filipino Workers sa Lebanon kaugnay sa pagapapauwi sa Pilipinas sa Gitna ng tensyon sa pagitan ng Hezbollah at Israel.   Sa ulat, nanawagan kasi ang Israel sa mga indibidwal sa Southern Lebanon na lumikas na, bagay na ginawa nito bago pa ang pag-atake sa Gaza. […]