6 robbery gang members napatay sa engkwentro vs PNP sa Rizal province
- Published on October 16, 2021
- by @peoplesbalita
Patay ang anim na miyembro ng isang notorious holdup robbery group sa engkwentro laban sa mga pulis kaninang madaling araw sa may Sitio Boso-Boso, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.
Ayon kay Col. Joey Arandia, hepe ng Antipolo City, sangkot ang mga suspek sa robbery hold up at carnapping sa CALABRZON, Metro Manila at maging Central Luzon.
Ang mga ito ay dati na umanong minamanmanan ng HPG at Rizal PNP ang mga suspek.
Sinabi ni Arandia, nakatanggap sila ng intelligence information na magsasagawa ang grupo ng serye ng robbery holdup sa mga maliit na establisyemento sa Rizal.
Dahil dito, agad inalerto ang mga pulis Antipolo at nakabantay sa posibleng pag-atake ng grupo.
Sa official report, ala-1:30 ng madaling araw nang mamatyagan ng HPG Limbas mobile team ang apat na suspek na sakay ng Sedan at dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Tangka umano ng mga ito na mangholdap sa Boso-boso Shell gasoline station.
Pinapatukan ng mga suspek ang mga pulis at tumakas papunta ng direksyon pa Baras, Rizal.
Hinabol sila ng HPG at na-monitor ng Antipolo Police ang insidente kaya naglagay ng road block sa Marcos Highway.
Nakorner sila ng mga pulis at umano’y pinasuko.
Pero sa halip na sumuko ay nanlaban pa raw ang mga suspek.
Dito na nasawi ang anim na suspeks habang isang pulis naman ang tinamaan ng bala pero ligtas na ang kalagayan dahil nakasuot ng bullet vest.
Sa ngayon patuloy pang tinutukoy ng PNP ang pagkakakilanlan ng anim na mga nasawing suspek.
Narekober naman ng PNP ang anim na baril na ginamit ng mga suspeks.
Pasado alas-7:00 na kaninang umaga ng maialis ang cadaver ng mga suspeks sa kalsada at isinakay sa ambulansya.
-
Dagdag isolation facilities bubuksan na rin sa mga PROs sa NCR Plus – PNP
PROBLEMA ngayon ang isolation at quarantine facilities sa mga kampo ng Philippine National Police (PNP) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng Covid-19 sa bansa. Kaya ipinag-utos na ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos na magdagdag ng mga isolation facilities hindi lamang sa Camp Crame kundi maging sa mga Police Regional Offices […]
-
Sa bonggang back-to-back episodes ng #SuperAte: Sen. IMEE, ipasisilip ang mga natunghayan sa pagbisita sa French capital
DADALHIN ni Senadora Imee Marcos ang kanyang mga vlog followers sa isang Parisian adventure ngayong weekend sa super back-to-back episodes na kung saan ipasisilip niya ang katatapos lang na pagbisita niya sa French capital. Una, binisita ni Sen. Imee ang sikat na Pére Lachaise Cemetery, na libingan ng ilan sa mga greatest thinkers at artists […]
-
Cong. Tiangco at Partido Navoteño nag-file na ng COC
IPINAPAKITA nina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama ang buong Partido Navoteño ang kanilang certificate of candidacy (CoC) matapos silang mag-file para sa kanilang kandidatura sa pagka-Congressman at pagka-alkade ng Navotas City. Pinasalamatan ng Tiangco Brother’s ang buong Partido Navoteño sa patuloy nilang tiwala at suporta sa kanila. Anila, isang […]