6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card
- Published on November 19, 2021
- by @peoplesbalita
Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Geraldine Vargas, 51 ng Dagupan St., Tondo, Camille Cressida Halili, 34 ng Batanes St. Sampaloc, Janneth Viernes, 42 ng D. Aquino St. 4th Avenue, Caloocan City, Gengen Subito, 34 ng Oroquieta St. Sta Cruz, Nikko Molina, 18 ng Pasillo I Central Market at Ronaldo Benitez, 31 ng Int. 2 Brgy. 310 Sta Cruz, Manila.
Nauna rito, nakatanggang si DSOU chief P/Lt. Col Jay Dimaandal ng isang tip mula sa kanilang confidential informant na ang mga suspek ay nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 vaccination cards ng Caloocan and Valenzuela Cities.
Dakong alas- 6:30 ng gabi, isang police poseur-buyer ang nagawang makakuha ng isang pekeng health vaccination card ng Caloocan City kapalit ng P1,800.00 marked money na naging dahilan upang agad lusubin ng mga operatiba ang naturang establishimento na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Narekober sa naturang establishimento ang ilang health vaccination cards ng Caloocan at Valenzuela Cities, fake Covid-19 antigen test results, fake vaccine receipts, gamit sa pagproseso ng mga pekeng dokumento, marked money na ginamit sa entrapment operation at P2,300.00 cash.
Kasong paglabag sa Art. 172 of Revised Penal Code in relation to Rule XI Section 1 paragraph B of Implementing Rules and Regulation of RA No. 11332 o alleged fake vaccination cards ang isinampa sa mga suspek. (Richard Mesa)
-
4 drug suspects arestado sa Calocan
APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng […]
-
Kaso ng COVID-19 sa Marso, 500 kada araw na lang
INAASAHAN ng OCTA Research Group na makapagtatala na lamang ng 500 kaso ng COVID-19 kada araw pagsapit ng kalagitnaan ng buwan ng Marso. Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na base ito sa kasalukuyang pababa na ‘trajectory’ ng mga bagong kaso kada araw. Nitong Linggo, nakapagtala na lamang ng 1,038 kaso sa […]
-
KRIS, napapatanong sa sarili kung ‘kaya ko pa ba?’
SA latest Instagram post ni Kris Aquino ay napapatanong sa sarili kung ‘KAYA KO PA BA?’ Na patuloy na lumaban sa kanyang mga sakit dahil wala na nga siyang panlaban sa kahit anong viral or bacterial infection kaya nasa isolation room siya. Panimula ni Kris sa mahabang post, “Exactly 2 weeks […]