• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects arestado sa Calocan

APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level ang arestado sa magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Caloocan City.

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., alas- 1:40 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warriors sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa Phase 8A, Barangay 176, Bagong Silang na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanilang target na si Acmad Moad, 23, vendor.

 

Nakumpiska kay Moad ang aabot sa 18 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P122,400.00 ang halaga at marked money.

 

Alas-2:30 naman ng madaling araw nang masunggaban ng mga operatiba ng Intelligence Section at SDEU sa pangunguna nina P/ Maj. Rengie Deimos at P/Capt. Cabildo ang No. 1 priority personality on illegal drugs Regional level na si Noe Ariate, 26 ng 347 Marulas A Brgy. 36 sa buy-bust operation sa Raja Soliman St. Brgy. 37.

 

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, cellphone at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 44 piraso boodle money.

 

Samantala, balik-selda si Maria Cristina Pascual, 47 at Enrique Rosalida, 45 matapos masakote ng mga operatiba ng NPD- DDEU sa pangunguna ni P/ Capt. Ramon Aquiatan, Jr. sa buy-bust operation sa Block 4, Lot 2, Tupda Village, Brgy. 8, dakong 1:30 ng madaling araw.

 

Nakuha sa kanila ang 60 gramo ng shabu na nasa P408,000,00 ang halaga, marked money na binubuo ng isang tunay P1,000 bill at limang piraso boodle money

 

Base sa record, si Pascual ay dati nang naaresto matapos makumpiskahan ng ilegal na droga subalit, nakalaya sa pamamagitan ng plea bargaining agreement sa Caloocan Regional Trial Court (RTC) Branch 127 habang si Rosalida ay nakulong dahil din sa ilegal droga ngunit nakalabas matapos makapagpiyansa sa RTC Branch 121. (Richard Mesa)

Other News
  • Mahigit P50B halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng administrasyong Marcos —PDEA

    TINATAYANG umabot na sa P49.82 bilyong halaga ng illegal na droga ang nakumpiska sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula Hulyo 1, 2022 hanggang Setyembre 30, 2024.     Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kabilang sa ilegal na droga na nakumpiska ng mga awtoridad ay shabu (6,481.16 kilograms); cocaine […]

  • Philhealth, ipagpapatuloy ang pagbabayad ng hospital claims

    IPAGPAPATULOY  na ng Philippine Health Insurance Corporation ang pagbabayad ng mga unpaid hospital claims.     Ayon Philhealth Vice President for Corporate Affairs Dr. Shirley Domingo nakikipag-ugnayan na ang kanilang regional offices sa mga ospital para sa kanilang claim’s payment.     Nagsasagawa din sila ng reconciliation meetings at sa katunayan, nagbayad aniya ang Philhealth […]

  • 19 bangkay sa bumagsak na C-130 plane sa Sulu, nakilala na ng AFP

    Natukoy na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakakilanlan ng 19 sa 49 na sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 cargo plane noong Linggo sa Patikul, Sulu.     Kabilang dito sina Major Emmanuel Makalintal, Major Michael Vincent Benolerao, First Lieutenant Joseph Hintay, Technical Sergeant Mark Anthony Agana, Technical Sergeant Donald Badoy, Staff […]