• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 ‘tulak’ kalaboso sa higit P.7 milyong shabu sa CAMANAVA

HIMAS rehas ngayon ang anim na ‘tulak’ sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng mga pulis sa Caloocan, Valenzuela at Malabon City na nagresulta sa pagkakasabat sa shabu na nagkakahalaga ng higit P.7 milyon.

 

 

Sa report na tinanggap ni Northern Police District (NPD) chief PBGen. Rizalito Gapas, kinilala ang mga suspek na sina alias Pagare, 45, construction worker; alias Potyok; alias Kulog, 50; alias Obet, 45; alias Bosho, 36 at alias Bok, 50.

 

Sa report ni PCol. Paul Jady Doles, hepe ng Caloocan City Police, alas-12:10 ng mada­ling araw kahapon nang makalawit sa buy-bust operation sa Blk 7 corner Kaagapay Road, Barangay 188, Caloocan City sina alias Pagare at alias Potyok ng mga operatiba ng SDEU ng CCPS.

 

Nakuhanan ang mga ito ng tatlong sachet ng White Crystalline substance na pinaniniwalaang shabu at may halagang P387,600.00.

 

 

Ayon naman kay Valenzuela Police chief PCol. Nixon Cayaban, ikinasa nila ang buy-bust operation laban kay alias Kulog bandang alas-1:40 ng madaling araw nitong Miyerkules sa East Service Road ng Brgy. Paso de Blas, Valenzuela City matapos na makumpirma ang tip.

 

Nakuha dito ang anim na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet ng shabu, 6 na piraso ng P1,000, tig 1 piraso nng P500, P100 at P50, coin purse cellphone at Honda XRM motorcyle. Nasa P204,000 ang halaga ng illegal drugs na nakuha sa suspek.

 

 

Samantala sa Ma­labon, dakong alas-11 ng gabi nitong Martes nang makalawit ng mga tauhan ni Malabon Police PCol. Jay Baybayan sina Alias Obet, Alias Bosho at Alias Boks sa Camus Street, Brgy. Ibaba, Malabon City.

 

 

Anim na piraso ng heat-sealed transpa­rent plastic sachets na naglalaman ng “shabu” at nagkakahalaga ng P161,160.00 ang nakuha mula sa mga ito.

 

 

Ayon kay Gapas, ang pagkakadakip sa mga suspek ay resulta ng pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs alinsunod na rin sa layunin ni NCRPO chief PMGen. Sidney Hernia na maging drug free ang MM. (Richard Mesa)

Other News
  • LTO: 101,889 sasakyan maaring marehistro kahit may NCAP violations

    MAKARAANG  mag-issue ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court (SC) sapagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP), ang Land Transportation Office (LTO) ay nagpahayag na kanilang papayagang marehistro ang mahigit sa 100,000 na sasakyang may violations sa ilalim ng NCAP.     May kabuuang 101,889 na sasakyan na may traffic violations mula sa tatlong lungsod […]

  • Mangingisda, isasabak sa West Philippines Sea

    PLANONG gawing reservist ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga mangingisda sa Kalayaan Island para magbantay sa West ­Philippine Sea.     Ayon kay AFP Chief of Staff Lt Gen. Romeo Brawner, Jr. tuturuan ang mga mangingisda kung paano makakatulong sa pagdepensa ng bansa.     Sinabi ni Brawner na ikinokonsidera nila ang […]

  • Natutunan na dedmahin na lang: MARTIN, ‘di pumapatol sa comments pag ‘di totoo

    SEXY actor ang dapat na unang image ni Rob Gomez kaya ang naging unang project niya ay ang sexy drama na ‘A Girl And A Guy’ na pinalabas via Netflix noong 2021. Napapayag si Rob na gawin ang sexy movie para magkaroon ng ingay ang pangalan niya. Kaya wala siyang takot na gawin ang mga […]