• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

60 bangkay ng PDLs inilibing sa NBP cemetery

ANIMNAPUNG  bangkay ng Persons Deprived of Liberty (PDLs) na matagal nang nakalagak sa isang punerarya ang pinalibing na ng Bureau of Corrections (BuCor), sa New Bilibid Prison (NBP) cemetery sa Muntinlupa City kahapon ng umaga.

 

 

Ang mga inilibing ay kabilang sa 176 na bangkay na matagal nang nakalagak sa Eastern Funeral Homes at nadiskubre lamang nang magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng isang Cristito Villamor Palaña, isa sa sinasabing middlemen sa pamamaslang sa bete­ranong broadcaster na si Percy Lapid Mabasa.

 

 

Nagdaos muna ng misa bago tuluyang inilibing ang mga bangkay na inilagay sa kahoy na ataul at ipinasok sa mga nitso.

 

 

Una nang ipinalibing ang 10 bangkay nitong buwang ito.

 

 

Nabatid na ang mga nailibing ay nasa advance state of decomposition na kabilang ang mga nasawi ng ­Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

 

 

Ayon kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang, 60 pang mga bangkay ng PDLs ang nakatakdang ipalibing sa Disyembre 2.

 

 

Sinabi naman ni BuCor Senior Supt. Ma. Cecilia Villanueva ng Directorate for Health and Welfare Servi­ces na ang 40 pang bangkay ay maiiwan sa Eastern Funeral Homes.

 

 

“May I make mention po na kaya po merong unclaimed may mga dumadating pong relatives, hindi na po talaga kine-claim yung body, kinukuha na lang po yung death certificate,” ani Villanueva.

 

 

Sa kabila ng may 90 araw na palugit para sa pag-claim ng bangkay, wala pa rin aniyang pumupuntang kamag-anak ang mga nasasawing PDLs.

Other News
  • Bayanihan, Bakunahan muling ikakasa sa Pebrero 10 at 11

    MULING aarangkada ang ikatlong National Vaccination day sa bansa.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na sa darating na sa darating na Pebrero 10 at 11 ay muling aarangkada ang Bayanihan, Bakunahan.     Ani Usec Cabotaje, maliban sa mahalagang mabigyan ng proteksiyon ang mga hindi pa bakunado […]

  • Mas mahigpit na precautionary measures, ipatutupad sa ‘face-to-face’ classes – DepEd

    Handa ang Department of Education (DepEd) sa mahigpit na pagpapatupad ng precautionary measures at kinakailangang health standards sakaling pahintulutan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng limited face-to-face classes.   Tugon ito ng kagawaran sa mungkahi ng ilang mga mambabatas at mga sektor na dapat ay payagan na ang limitadong face-to-face classes sa mga low-risk […]

  • 2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.   Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag […]