60 porsyento ng tawag sa 911, prank calls – DILG
- Published on January 23, 2025
- by Peoples Balita
TINATAYANG 60% ng mga natatanggap na tawag sa 911 ng Philippine National Police (PNP) ay prank calls.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Malakanyang, na sa kabila ng mga natatanggap na prank calls ay hindi sila makagawa ng hakbang para maparusahan ang mga may kagagawan nito.
Ayon pa kay Remulla, isa sa nakikita nilang problema kaya hindi mahabol at maparusahan ang mga gumagawa ng prank calls ay dahil sa hindi pa integrated ang national ID system sa telecommunications company.
Kaya sinasamantala rin aniya at naglipana ang POGO scam dahil hindi naging masyadong epektibo ang SIM Card Registration Act.
Dahil dito, kaya palalakasin aniya nila ngayong taon ang 911 integrated system sa buong PIlipinas sa pamamagitan ng pagbuhos ng pondong P500 milyon na tinanggal sa intelligence fund ng PNP.
“Yung savings na ‘yun ay ilalagay natin sa launching and bidding process ng Integrated 911 system para sa buong Pilipinas. So from intelligence fund to 911. It will be a fully audited system na under scrutinous bidding,” ayon pa kay Remulla.
-
18-anyos pababa bawal pa rin lumabas – MMDA
Nilinaw kahapon ng Metropolitan Development Authority (MMDA) na bawal pa rin ang mga kabataang may edad 18- anyos pababa na gumala sa mga lansangan sa kabila ng pinaluwag na restrictions sa National Capital Region (NCR). Kasunod ito ng pagdagsa ng pami-pamilya sa mga pook pasyalan para mag-celebrate ng Father’s Day kahapon kasama ang […]
-
Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem
OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections. Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng […]
-
Ads March 17, 2023