• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$600 milyong infrastructure deal naisara sa Japan trip

NAKAKUHA ng $600 milyong infrastructure investment ang Pilipinas mula sa mga Japanese investors.

 

 

Ito’y matapos magkasundo ang Filipino business tycoon na si Manny V. Pangilinan at major Japanese investor na Mitsui & Co. na mamuhunan sa sektor ng imprastraktura.

 

 

“We signed an agreement with Mitsui and several parties and management to commit to invest $600 million in the infrastructure,” pahayag ni Pangilinan na bahagi ng business delegation ni Pangulong Ferdinand Marcos sa 5-day working visit nito sa Japan.

 

 

Nais din umano ng Mitsui & Co. ng investment sa mga priority sectors ng administrasyon partikular na sa agriculture, infrastructure at renewable energy.

 

 

Sinabi ng Mitsui na patuloy silang magsasaliksik ng iba pang negosyo na maaring makatuwang ang Pilipinas kabilang na sa agrikultura, renewable energy at digital transformation.

 

 

“We can point to so many of the developments that happened in the Philippines with the assistance of the different Japanese funding agencies and government-to-government arrangements, the commercial arrangements — and these have been for the benefit of both our countries,” pahayag naman umano ni Pangulong Marcos.

 

 

Nagpasalamat din ang Pangulo sa Japanese businessmen dahil sa tulong para mapalakas ang ekonomiya ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Año, umaasang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang inisyatibo ng PNP

    UMAASA si Outgoing Interior Secretary Eduardo Año na ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga programa na kanilang sinimulan sa  loob ng Philippine National Police (PNP).     Kumpiyansa ang Kalihim na mapapanatili ng  incoming government ang kanilang tagumpay.     Sa isang talumpati sa isinagawang flag-raising ceremony sa Camp Crame, Quezon City,  sinabi ni […]

  • Ads April 11, 2022

  • Yulo kaya ang Olympic gold – Carrion-Norton

    TIWALA ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP)na kakayanin ni Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo na mabigyan ng unang gold medal ang mga Pinoy sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na naurong lang ng Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.   Ito ang walang takot na pinahayag nitong Biyernes ni GAP president Cynthia Carrion-Norton, […]