61 maritime school pasaway sa STCW, ipapadlak ng MARINA
- Published on February 14, 2020
- by @peoplesbalita
NASA 61 mula sa 91 maritime school sa bansa ang nakatakdang ipasara ng Maritime Industry Authority (MARINA) dahil hindi pag-comply sa standards ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watch keeping for Seafarers (STCW), na sumasaklaw sa maritime education, training at certification.
Ito ang sinabi ni MARINA-OI Administrator Narciso Vingson sa congressional hearing sa House of Representatives kasama ang mga miyembro ng Committee on Transportation.
Nadismaya at nagulat naman si Marino Partylist Rep. Carlo “Sandro” Gonzalez sa ibinulgar ng MARINA kung saan 2/3 sa kasalukuyang mga maritime schools sa bansa ang may rekomendasyon para sa ‘closure for non-compliance with the international standards’.
Ayon kay Gonzales, nadismaya ito nang marinig na may mga maritime institution na nag-o-operate sa bansa na “colorum” sa gitna ng preparasyon para sa darating na European Maritime Safety Agency (EMSA) audits na gaganapin sa Pebrero 24 hanggang Marso 13, 2020.
Aniya, ang kapabayaan ng panig ng MARINA ay maglalagay sa alanganin sa libu-libong trabaho ng mga seafarers.
“I am deeply disturbed that this only came to light now, when it was already known we have problems as early as 2006”, ayon pa kay Gonzales. “The fact that these schools were able to operate after several administrations without being caught points to a problem with the regulatory agencies, something that we need to address to maintain the credibility and competitiveness of Filipino seafarers around the world.”
Naniniwala pa si Gonzalez na ang Commission on Higher Education at MARINA ang may responsibilidad sa mga maritime school alinsunod sa Executive Order No. 63, Series of 2018.
Sinabi naman ni Marino Party-list Second Representative Macnell Lusotan na ang pagsasara ng two-thirds ng maritime schools sa bansa ay labis na makaaapekto sa abillidad na makapag-produce ng maraming sefarers, makakapekto sa kredibilidad ng lahat ng alumni sa Philippine maritime schools, at magdudulot din ng lamaking impak sa ekonomiya.
Kaugnay nito, nagharap na rin sina DOTr Secretary Arthur Tugade, kasama sina Commission on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero De Vera III, at Vingson upang pag-usapan ang mga hamon ng Philippines’ Maritime Higher Education Institution’s (MHEI) compliance sa STCW.
Sa pagpupulong, ang maritime regulators at kinatawan mula sa Philippine Association of Maritime Institutions (PAMI) ay nagkasundo na magtulungan upang makamit ang full compliance sa mga kailangan ng EMSA, alinsunod sa pangako ni Secretary Tugade sa PAMI na magsimula ng mas mahusay na koordinasyon sa iba’t ibang mga stakeholders. (Gene Adsuara)
-
380 Pinoy sa Ukraine, hinikayat na makipag-ugnayan sa Philippine Embassy
HINIKAYAT ng Philippine diplomats sa Warsaw, Poland ang 400 Filipino sa Ukraine na agad na makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang hindi kanais-nais na insidente sa kanilang lugar sa gitna ng ulat na napipintong Russian invasion. “The Philippine Embassy in Warsaw closely monitors the situation of the approximately 380 Filipino nationals living in […]
-
Ads May 11, 2022
-
Ads February 18, 2020