• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

65.7 milyong Pinoy pipili na ng mga bagong lider

NASA 65.7 milyong mga botanteng Pilipino ang inaasahang dadagsa ngayon sa iba’t ibang ‘polling precints’ ng Commission on Elections (Comelec) para pumili ng mga bagong lider ng bansa ngayong 2022 National at Local Elections.

 

 

Sinabi ni Comelec Chairman Saidamen Pa­ngarungan na “all systems go” na sila maging ang mga katuwang na ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang Department of Education (DepEd).

 

 

Kahapon, personal na ininspeksyon ni Pa­ngarungan ang Comelec Election Monitoring and Action Center (CEMAC) sa Parañaque at ang Phi­lippine International Convention Center sa Pasay City, kung saan gaganapin ang ‘canvassing’ para sa senatorial at party-list elections.

 

 

Tuluy-tuloy pa rin naman ang pagkukumpuni ng Comelec sa mga depektibong ‘vote counting machines (VCMs)’.  Sinabi ni Commissioner George Garcia na 632 sa 790 nasirang VCM na ang kanilang nakukumpuni nitong nakaraang Sabado.

 

 

Ayon naman kay Atty. John Rex Laudiangco, bagong spokesman ng Comelec, na 106,174 VCMs o 85 porsyento na ang naisailalim sa ‘final testing and sealing (FTS)’.

 

 

Bukod sa 65.7 na lokal na botante, nasa 1.7 milyong mga Filipino rin ang nauna nang bumoto sa ibang bansa sa pamamagitan ng ‘overseas absentee voting’.

 

 

Nasa 18,000 posisyon sa national at lokal na pamahalaan ang pupunuan ng mga botante mula Pa­ngulo hanggang miyembro ng Sangguniang Pambayan o mga konsehal. (Daris Jose)

Other News
  • Don’t miss this breathtaking adaptation of the iconic musical, ‘Wicked’ starring Cynthia Erivo and Ariana Grande

    ONE of the most eagerly anticipated films of 2024 is about to sweep the nation as the magic of “Wicked” arrives in Philippine cinemas on November 20! Fans of the iconic Broadway musical can now secure their seats for the big-screen adaptation of this enchanting tale by reserving tickets online starting today.     Prepare […]

  • FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.

    Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.     “Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng […]

  • PBBM, nabahala sa nangyaring “senseless killing” kay Percy Lapid

    NABABAHALA  ang  Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa  isang batikang mamamahayag at  kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid.     Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon […]