FACE SHIELDS, BARRIERS, ROADBLOCKS, CURFEW SA PANAHON ng PANDEMYA, ATBP.
- Published on March 25, 2021
- by @peoplesbalita
Pinatupad na sa public transport ang “no face mask, no face shield, no ride” policy. Sa mga mangagawa ay ipinagutos na rin ang pagsuot ng face shield. May ilang business establishments na may polisiya na rin ng “no mask, no face, shield no entry.
“Kaya naman nagsisiguro na ang ating mga mamamayan na magsuot ng face mask at face shield para sigurado na nga naman! Yun dating “encouragement”o paghikayat na magsuot ng face shield ay mukhang naging “requirement”na.
Dahil dito ay namigay ng sariling gawang faceshield ang Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) at ‘Ang Bumbero’ng Pilipinas sa mga pasahero at manggagawa. Ilang LGU at NGO na rin ang sumunod at namigay na rin ng libreng face shields.
Samantala, inalis naman ng IATF ang polisiya na gumamit ng barrier sa mga family-used motorcycles kapag ang rider at naka-angkas ay ‘members of the samehousehold. Matatandaang pinalagan natin ang polisiyang ito mula pa nung una. Ito ang panukala noon pa ng LCSP!
Pero itinuloy pa rin ang nasabing polisiyang kaya imbes matuwa ay binatikos ito ng mga may-ari ng motorsiklo dahil sa gumastos na sila tapos babawiin rin pala.
Ganyan ang mga polisiyang hindi gaanong pinagaralan bago ipatupad. Ang isa pang dapat alisin ay ang mga road barriers sa mga kalye. Mistulang mga pang-gyera ang mga ito na humaharang sa daloy ng trapiko.
Kung ang objective nito ay para walang makapasok na ibang tao o sasakyan ay hindi rin nangyayari dahil may nadadaanan din namang iba para makakapasok sa kalyeng sinarahan.
Piliin na lang talaga ang kalyeng dapat isara at huwag gawing pahirap sa mga residente at motorista ang mga barriers. Ang curfew naman ay mananatili dahil sa nakatutulong din ito sa pagbaba ng krimen at umuuwi sa bahay ng maaga ang mga tao.
Maraming salamat sa mga sumusunod sa pagtulong sa paggawa at pamimigay ng libreng faceshields – ‘Ang Bumbero ng Pilipinas’ sa pangunguna ni Chairman Leninsky Bacud, Robert Garcia, Squidpay, Marvin dela Cruz at Riverforest Development Corporation at mga LCSP at ABP volunteers. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19
Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan. Sinabi kahapon ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo […]
-
PBBM, pinangalanan sina Vergeire at Robles bilang DOH OIC at PCSO GM
PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DOH) at hinirang naman si dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press […]
-
Pagbubukas ng Dolomite Beach, iniurong ng DENR sa Hunyo 3
IPINAGPALIBAN ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang muling pagbubukas ng Manila Baywalk Dolomite Beach sa susunod na buwan. Matatandaang ang reopening nito ay nakatakda sana sa Mayo 20 ngunit malaunan ay nagpasya ang DENR na iurong ito ng dalawang linggo pa, o sa Hunyo 3, 2022 na lamang. […]