• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6,585 na ang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal — NDRRMC

Paparami nang paparami ang bilang ng populasyong apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa pagpapatuloy ng mga aktibidad nito habang nasa Alert Level 3, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

 

Sa ulat ng ahensya ngayong 8 a.m., Martes, nasa 6,585 na ang naaapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa rehiyon ng CALABARZON — 3,480 sa kanila ay nasa mga evacuation centers na.

 

 

“This serves as notice for the raising of the alert status of Taal from Alert Level 2 (increasing unrest) to Alert Level 3 (magmatic unrest). At 1516H (3:16 PM) PST, Taal Volcano Main Crater generated a short-lived dark phreatomagmatic plume 1 kilometer-high with no accompanying volcanic earthquake,” wika ng state volcanologists, Huwebes.

 

 

“This means that there is magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions.”

 

 

Dahil dito, mariing inirerekomenda ng Phivolcs ang agarang evacuation ng mga residente mula sa Agoncillo at Laurel, Batangas dahil sa banta ng “pyroclastic density currents” at volcanic tsunami.”

 

 

“So far, inalis na po previously ang mga community sa volcano island. We are coordinating with Phivolcs po and the RDRRMC CALABARZON for developments,” wika ni Mark Timbal, spokesperson ng NDRRMC kanina.

 

 

Tinitiyak pa naman ngayon nina Timbal kung gumugulong na sa ngayon ang mga evacuation.

 

 

Ipinaalala naman ngayon sa publiko na Permanent Danger Zone ang kabuuang Taal Volcano Island. Pinagbabawalan din ngayon ang pagpasok ngayon sa high-risk areas gaya ng dalawang lugar na nabanggit sa itaas.

 

 

“In addition, communities around the Taal Lake shore are advised to take precautionary measures and be vigilant of possible lakewater disturbances related to the ongoing unrest,” patuloy ng Phivolcs.

 

 

Ngayong Alert Level 3 ang Bulkang Taal, posible na ang “hazardous eruption” nito sa loob ng ilang araw o linggo.

 

 

Huling beses na umabot sa Alert Level 4 ang bulkan ay noong Enero 2020, kung saan libu-libo ang lumikas. Umabot din hanggang sa Kamaynilaan ang peligrosong ashfall ng naturang volcano. (Gene Adsura)

Other News
  • Sasalubong sa mga consumers sa Disyembre 1… P2 hanggang P3 na umento sa presyo ng liquefied petroleum gas, posible

    POSIBLENG magkaroon daw ng umento sa presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Disyembre.     Ayon sa mga energy sources, papalo sa P2 hanggang P3 ang nakikita ng mga Department of Energy (DoE) na dagdaga sa presyo ng kada litro ng LPG.     Katumbas ito ng P22 […]

  • LTFRB: Magkakaroon ng “recalibration” sa PUVMP

    MAGKAKAROON  ng “recalibration” sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan upang bigyan tuon ang mga problema at concerns ng mga nagrereklamong operators at drivers ng public utility jeepneyes (PUJs).       Ito ang sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz sa isang hearing sa committee ng transportasyon […]

  • OFW na nagpositibo sa Omicron variant ng COVID-19, ‘di bakunado – DOH

    Hindi umano bakunado sa COVID-19 ang ikatlong returning overseas Filipino na nagpositibo sa Omicron variant na nakapasok sa Pilipinas.     Sa ginawang paglilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergerie, ang 36-year-old returning overseas Filipino (ROF) ay nagmula sa Qatar at dumating sa bansa noong Nobyembre 28 via Qatar Airways Flight number QR 924.   […]