• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6th edition ng ‘The EDDYS’ sa Oct. 22 na: Award-winning actor at filmmaker na si ERIC, magdidirek ng awards night

PORMAL nang inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice o mas kilala na ‘The EDDYS’ ngayong taon.

 

 

Ang awards night ay magaganap sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

 

 

Sa taong ito, ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tess Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS na magkakaroon din ng delayed telecast sa NET 25 sa Oct 28, 2023.

 

 

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema. 14 acting and technical awards ang ipamamahagi ng SPEEd para sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’ na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

 

 

Tulad sa mga nakaraang gabi ng parangal, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry. Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.

 

 

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi sa ika-anim na edisyon ng ‘The EDDYS’ ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), at ang Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media). Pararangalan din sa awards night ang Producer of the Year at Rising Producer of the Year.

 

 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng “People’s Journal”.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pinas, igigiit ang lahat ng karapatan laban sa bagong batas ng China

    IGIGIIT ng Pilipinas ang lahat ng karapatan nito patunay sa diplomatic protest na inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa bagong batas ng China na nag-uutos sa kanilang Coast Guard na maaaring gumamit na ng dahas o armas laban sa mga dayuhang barko na pupunta sa kanila teritoryo sa South China Sea.   […]

  • Cartel sa sugar industry buwagin, parusahan sangkot na opisyal, hamon kay BBM

    HINAMON ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (UMA) si Presidente Bongbong Marcos na buwagin ang cartel sa sugar industry at parusahan ang mga opisyal ng gobyerno na sangkot dito, lalo na ang mga nasa Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department of Agriculture (DA).     Ito ang tugon ng grupo sa pahayag ng pangulo […]

  • Kontra-galis program, inilunsad sa Manila City Jail

    INILUNSAD sa male dormitory ng Manila City Jail ang kampanyang kontra galis o mass scabies treatment program para tugunan ang problema sa sakit sa balat ng mga person deprived of liberty.     Katuwang ng MCJ Male Dorm ang International Committee of the Red Cross para mapahusay ang kalagayan ng mga PDL at mga pasilidad […]