7 arestado sa buy bust Valenzuela
- Published on February 27, 2021
- by @peoplesbalita
Pitong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga ang natimbog ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa magkahiwalay na buy bust operation ng sa Valenzuela city.
Ayon kay SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla, dakong 10:45 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Joel Magregalejo sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega sa No. 3613 Clemente Compound, Brgy. Gen. T. De Leon.
Kagaad dinamba ng mga operatiba ang kanilang target na si Benson Maguigad, 44, tricycle driver matapos bentahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Kasama ring nadakip sa operation sina Elmer Martin, 48, Arnold Carabbacan, 59, Luis Carvajal, 52, Christopher Sison, 43, at Jeffrey Restum, 32 matapos maaktuhan ng mga operatiba na sumisinghot umano ng shabu.
Nakuha sa mga suspek ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, buy bust money, P640 cash, 5 cellphones, dalawang nakabukas na plastic sachets na may bahid ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.
Alas- 3 naman ng madaling araw nang matimbog din ng kabilang team ng SDEU si Francis Cruz, 40 ng Ilocto St. Parada sa buy bust operation sa Santolan Road, Brgy. Gen. T. De Leon.
Ani SDEU investigator PSMS Fortunato Candido, narekober kay Cruz ang nasa 3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P20,400 ang halaga, P300 buy bust money, P200 cash, cellphone at isang motorsiklo.
Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Actr of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Richard Mesa)
-
Uusok na talakan sa pulong ng POC
TIYAK ang walang puknat na balitaktakan na naman para sa sa darating na halalan Nobyembre sa Philippine Olympic Committee (POC) sa executive board meeting ngayon Sabado, Setyembre 12 ng alas-10:00 nang umaga via Zoom. May ilang beses nang walang nabuo matinong usapan para sa eleksiyon dahil sa pagtutol ng mayorya sa pinipilit ni POC […]
-
Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado
UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs). Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic […]
-
PAOLO, muling nagparamdam sa Instagram account after nang pananahimik; may nagyaya na mag-Baguio as a friend
POSIBLENG dahil malapit ng ipalabas ang GMA Afternoon Prime na I Left My Heart in Sorsogon kunsaan, pinagbibidahan ito nina Heart Evangelista, Richard Yap at Paolo Contis kaya ang huli ay biglang nagparamdam na sa kanyang Instagram account. Halos dalawang buwan din itong nanahimik. Ang pinost nga ni Paolo ay ang pag-ride na […]