• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 close contacts ng 2 Omicron cases, negatibo sa COVID-19

Negatibo sa COVID-19 ang pito sa walong natukoy na close contacts ng dalawang kaso ng Omicron variant sa bansa.

 

 

Sinabi ni Health Underscretary Maria Rosario Vergeire na agad na isinailalim sa COVID-19 test ang pito na may negatibong resulta.

 

 

Nabatid na ang 48-an­yos na ‘returning Filipino’ mula sa Japan ay nagkaroon lamang ng isang close contact habang sakay ng Philippine Airlines flight PR 0427.

 

 

“Close contact had a negative RT-PCR released last December 4 based on the arrival line list. You may be wondering why there is only one close contact for our 48-year-old male from Japan. It was because he was seated in a business class, and it was just one passenger with him in this business class section,” paliwanag ni Vergeire.

 

 

Ang 37-anyos na Nigerian national naman na mula sa Nigeria ay may pitong close contacts habang sakay ng Oman Air flight number WY 843.

 

 

Anim sa kanila ay napalabas na ng quarantine makaraang magnegatibo sa test habang biniberepika pa ang isa.

 

 

“The reason why there were just seven close contacts is because the foreign national sat at the very end of the plane so we only counted those in front of him and on his side,” ani Vergeire.

 

 

Ipinaliwanag ni Vergeire na hindi lahat ng kasama­hang pasahero ay ikinukunsidera na ‘close contacts’. Lahat naman umano ng mga pasahero ay isinailalim muna sa quarantine at ang mga nagnegatibo sa test ang napapalabas ng isolation. (Daris Jose)

Other News
  • 800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan

    UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government.     Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).     Ayon kay Lacuna, bagamat […]

  • ‘Deepfake’ videos, dumarami, PNP cybercrime group nababahala

    NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online.     Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na guma­gamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.     Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial […]

  • Lalaking nag-amok habang armado ng pen-gun sa Navotas, kalaboso

    SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos damputin ng pulisya makaraang mag-amok habang may bitbit na improvised gun sa Navotas City.     Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, iniulat ng isang concerned citizen sa Tanza Police Substation 1 ang hinggil sa isang lalaki na nagwawala at naghahamon ng away habang may […]