7 KATAO TIMBOG SA TUPADA
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
PITONG mga sabungero ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon city, kamakalawa.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, 47.
Sa imbestigasyon ni PSSg Jeric Tindugan at PCpl Michael Oben, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Sub-Station 5 sa pangungun ni PLT Ferdinand Espiritu at P/Capt. Carlos Cosme Jr. matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Orchids St. Brgy. Longos.
Pagdating sa naturang lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga nagtu-tupada kaya’t agad silang nagpakilalang mga pulis bago inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari pa at P2,800 bet money.
Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa PD 1602 amended by RA 9287 ang mga suspek sa Malabon City Presecutors Office. (Richard Mesa)
-
Kelot kulong sa shabu at pandadakma ng puwit ng dalagita
KALABOSO ang 27-anyos na lalaki nang makuhanan ng shabu at panggigilang dakmain ang puwitan ng 16-anyos na dalagitang estudyante sa Valenzuela City. Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 11313 o ang Anti-Bastos Law at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ang suspek na si Jethro Dionson, ng16 Lemon St. Brgy. […]
-
Pang. Marcos tiniyak ang suporta kay Senate President Chiz Escudero
Tiniyak ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang kaniyang suporta sa bagong Senate President na Sen. Chiz Escudero. Ayon kay Pangulong Marcos, ang legislative record ni Escudero at ang kaniyang commitment sa public service ay patunay na isa siyang dedicated leader. Pinuri naman ng Pangulo si Senator Migz Zubiri sa kaniyang liderato sa Senado. Kumpiyansa naman […]
-
LGUs, nahihirapan na makapaghatid ng food aid sa mga biktima ni “Kristine” — DSWD
NAHIHIRAPAN ang ilang local government units (LGUs) na makapaghatid at mamahagi ng food assistance sa mga pamilyang apektado ng Severe Tropical Storm Kristine. Sa katunayan, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na 50,000 family food packs lamang mula sa 170,000 packs na nakatago sa iba’t ibang bodega sa […]