• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Sports‘Facilities na ginamit sa 2019 SEAG, posibleng ginamit sa korapsyon’ – Sen. Hontiveros

HINDI na nakapagpigil pa si Sen. Risa Hontiveros na tawagin ang pansin ng kaniyang mga kapwa senador tungkol sa sports facilities na itinayo ng gobyerno noong 2019 South East Asian Games.

 

Ayon kay Hontiveros, base sa kanyang pagsisiyasat ay kapansin-pansin umano ang degree of collusion sa pondo at konstruksyon ng proyekto sa New Clark City.

 

Sa isinagawang plenary session ng Senado kahapon, inilatag ng senador ang mga umano’y posibleng dahilan kung bakit kailangan ng full- scale investigation.

 

Naniniwala raw ito na peke ang naging joint venture sa pagitan ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at MTD Capital Berhad, isang Malaysian infrastructure developer. Kinuwestyon dito ng senadora kung Joint Venture Agreement ba talaga ang nangyari sa dalawa dahil dapat daw ay may ambag ang lahat ng kasali rito.

 

Pinasusuri rin nito kung ano ang mga naging ambag ng “partners” na BCDA at MTD Berhad.

 

Kung ang ambag kasi aniya ng BCDA para sa nasabing joint venture ay ang lupang gagamitin para sa proyekto, dapat naman ang sagot ng MTD Berhad ang kapital sa pagpapatayo ng pasilidad dito.

 

Tinatayang aabot ng P8.5 billion ang dapat ilabas ng nasabing Malaysian firm para sa konstruksyon ng proyekto. Subalit, ayon umano sa pagsasaliksik ng kampo ni Hontiveros ay mukhang hindi sa kanila nanggaling ang pera.

 

Ang pera raw kasi na ginamit para sa proyekto ay mula sa Development Bank of the Philippines, na siyang nagpa-utang ng P9.5 billion sa MTD Berhad. Wala na nga raw cash-in ang MTD Berhad ay n dinagdagan pa ng isang bilyong piso ang kanilang proposal.

 

Tinanong din ng senadora kung saan kinuha ng MTD Berhad ang kanilang pambayad sa P9.5 billion nitong utang.

Other News
  • PBBM agrees to Fernando to add water reservoirs and water impounding areas in Bulacan

    CITY OF MALOLOS – President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. agreed as Bulacan Governor Daniel R. Fernando recommended additional water reservoirs and water impounding areas in the Province of Bulacan as one of the long-term solutions eyed by the Provincial Government of Bulacan to mitigate flooding occurrences in the province during the Situation Briefing with Select […]

  • Handog ng ‘Tadhana’ ang three-part 5th anniversary special: MARIAN, buong puso ang pasasalamat sa mga walang sawang sumusubaybay

    IBA ang dating talaga ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagganap niya bilang isang Gen Z, si Maria Clara o si Klay, sa historical drama portal ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra”, napapanoood  pagkatapos ng “24 Oras.”     Gabi-gabi ay nagti-trending ang nasabing bagong proyekto ni Direk Zig Dulay, at hindi pwedeng mawala sa […]

  • Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba sa 24.7 percent ayon sa SWS

    BAHAGYANG bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Disyembre 2021 na umabot sa 11 milyon, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).     Ngunit, binanggit na tumaas ang rate ng mga nawalan ng trabaho sa mga nasa hustong gulang sa lahat ng lugar maliban sa Visayas.     Ayon sa […]