• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV

HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).

 

Partikular na hinikayat ng PPCRV  ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na bumalik na ng bansa.

 

Ayon kay PPCRV Executive Director Maria Isabel Buenaobra may 7-milyong botante na dineactivate o inalis ng COMELEC sa listahan ng mga botante sa bansa.

 

Napakahalaga ang partisipasyon ng bawat Filipino sa nakatakdang halalan sa susunod na taong 2022 National and Local Election kung saan kabilang sa mga dapat ihalal ay ang magiging bagong pangulo at pangalawang pangulo ng bansa na magsisilbi sa loob ng susunod na anim na taon.

 

Ibinahagi rin  ni  Buenaobra ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PPCRV sa iba’t ibang diyosesis sa bansa upang maging katuwang sa pananawagan at kampanya na himukin ang mga kabataan, mga umuwing OFW at mga na-deactivate na mga botante upang muling magpatala sa kasalukuyang voters’ registration ng COMELEC.

 

Paliwanag ni Buenaobra, mahalagang makabahagi ang bawat mamamayan sa nakatakdang halalan na kabilang sa karapatan at tungkulin ng bawat isa sa isang demokratikong bansa.

 

Tiwala naman ang PPCRV na maaabot ng COMELEC ang target nitong magkapagpatala ng 60-milyon o higit pang mga rehistradong botante na maaaring makibahagi sa nakatakdang halalan sa 2022.

Ibinahagi ng kumisyon na umaabot na sa 59-na milyon ang bilang ng mga rehistradong botante sa bansa.

 

Batay sa opisyal na tala ng COMELEC noong 2019 elections , may 61.8-milyon ang bilang ng mga botante sa bansa ngunit kinailangang i-deactivate ng kumisyon ang mahigit sa 7-milyong botante dahil na rin sa pagkabigo na bumoto sa dalawang magkasunod na halalan.  (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pondo ng OFW, huwag gamitin upang makatulong – Bello

    Hindi pabor si Labor Secretary Silvestre Bello III sa ilang panawagan na paggamit ng trust fund na pinamamahalaan ng Overseas Workers Welfare Administration upang magbigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho at napauwing Pilipinong migranteng manggagawa.   “Nakapagbibigay sila sa atin ng $30 bilyong dolyar kada taon. Nakakatulong sa ekonomiya natin. Kaya naman, kahit […]

  • DUTERTE PINAKIUSAPAN SA PAGBABALIK-SABONG

    INAPELA ng isang mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pabalikin na ang gamefowl industry o cockfighting sa mga general community quarantine na lugar sa kapuluan.   Sang-ayon kamakalawa kay Ako Bisaya party-list Rep. Sonny Lagon, lumiham siya sa Punong Ehekutibo upang makiusap na payagan na ang mga pasabong na Malaki ang makakatulong sa pagbibigay ng […]

  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]